^

PSN Opinyon

Gawin, ‘wag lang sabihin

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

WALA raw sasantuhin si President Bongbong Marcos sa pagpapataw ng parusa sa mga opisyal na sangkot sa katiwalian lalo ba yung nauukol sa proyekto sa flood control. Kahit mga kaalyado raw niya ay pananagutin niya.

Direkta na ngang pinagsabihan ng Presidente ang mga kawatan sa Kongreso at iba pang kinauukulang opisyal ng pamahalaan na “mahiya naman kayo” na kakatwang pinasalubungan pa ng masigabong palakpakan ng mga opisyal na nakikinig sa kanyang SONA.

Mas mabuti siguro kung wala nang salita kundi gawin na lang ang aksiyon laban sa mga dorobong ito. Sibakin ora mismo at ipagharap ng kasong plunder na may pataw na pinakamabigat na parusa. Nakakawalang kredibilidad sa isang leader kapag puro salita pero walang aksiyon.

Bilyones na tax payers money na dapat ay para sa pagkontrol ng baha ang nalustay na napatunayan natin nang salantahin ng mapaminsalang baha ang malaking bahagi ng bansa kamakailan.

Umuusok na ang taynga ng taumbayan sa galit. Mantakin n’yo naman na P346.6 billion ang inilaan ng pamahalaan upang magkaroon ng episyenteng flood control pero naganap pa rin ang isang delubyo?

Ayon sa Department of Budget and Management, P72 billion na ang ibinawas sa P346.6 billion pondo sa flood control. Hindi bawas sa pondo ang makalulutas sa problema. Ang kalutasan ay nasa pagtitiyak na ang budget ay nagagamit nang wasto at walang halong katiwalian.

Dapat ipakita ni BBM ang determinasyon na linisin talaga ang biyurukrasya dahil kung pawang ngawa na walang gawa, kahiya-hiya siya.

FLOOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with