^

PSN Opinyon

Walang bago sa tax sa banko

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

SHOCK to the max ang publiko sa bagong batas na nilagdaan ni Presidente Bongbong Marcos na Capital Markets Efficiency Promotion Act (CMEPA). Papatawan daw ng 20 porsyentong buwis ang mga deposito sa banko. Ngunit noon pang 1998 ay kinakaltasan na ng 20 percent tax ang interest ng ating bank deposits, hindi ang buong deposito.

May kumakalat na disinformation sa social media mula sa BitPinas at Serbisyo Pilipinas na pinalilitaw na papatawan ng 20 percent na buwis ang lahat ng deposito sa banko.

Fake news iyan! Hindi deposito ang bubuwisan kundi ang interes na kinikita ng ating mga pera sa banko. Sino man ang naghahasik ng disinformation ay gustong sirain ang ekonomiya dahil posibleng magbunga ito ng bank run. Economic sabotage iyan!

Sa totoo lang, binabalanse ng CMEPA ang sistema upang maging patas sa mga mahirap at mayamang depositors. Sa lumang sistema, mas mataas ang ipinapataw na buwis sa interes ng mga short-term deposit. Ang short-term deposit ay ginagamit ng mga ordinaryong mamamayan, kabilang ang OFWs.

Ang mga long-term deposit naman ay siyang pinapasok ng mga mayayaman dahil ang kanilang pera sa banko ay pangmatagalan. Ang buwis sa ganitong deposito sa lumang Sistema ay 0 percent hanggang 12 percent. Unfair iyan sa maliliit na depositors.

Sa ilalim ng CMEPA, pinantay na ang buwis sa short-term at long-term. 20 percent na ang kinakaltas na buwis gaano man kaikli o kahaba ang maturity ng pera. Ulitin ko: ang binubuwisan sa CMEPA ay ang kinita o interes ng savings kaya hindi binabawasan ang perang inipon.

Kaya malinaw na fake news ang ipinakalat ng dalawang nabanggit na social media account. Dapat nila itong itama upang hindi guluhin ang isip ng publiko. Delikado ang kanilang ikinalat na fake news dahil puwede itong pagmulan ng panic sa banking community. Ang tanong: sino kaya ang nasa likod ng pagpapakalat ng fake news na ito?

OFW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with