Bakit dapat palitan ang Customs chief?
WITHOUT prejudice sa bagong Bureau of Customs chief Ariel Nepomuceno, may mga nagtatanong kung bakit niya pinalitan ang masipag at high performing commissioner na si Bienvenido Rubio.
Sa column ko kamakailan, naisulat ko ang tungkol sa “dragon lady” sa Malacañang na nagbubulong kay President Bongbong Marcos ng mga opisyal na dapat sibakin at hirangin. Bata raw ni Dragona si Nepomuceno.
Gusto kong bigyan ng benefit of the doubt si Nepomuceno. Baka naman mahusay at may kakayahan. Pero ang punto —bakit dapat palitan ang opisyal na kilala sa kanyang capability sa pagpapalakad ng Customs.
Pinapansin ko ito dahil kung ang dahilan sa appointment ni Nepomuceno ay ang “bulong-power” ni Dragona, kasiraan ito sa ating Presidente. Hindi nga siya diktador pero “dictated” naman. This doesn’t speak well of the quality of PBBM’s leadership.
Sabi ng aking kaibigan, iba na ang sistema ngayon! “Ang masipag sa trabaho at umuusig nang totohanan sa mga smugglers at drug traffickers ay sinisibak.”
Ngunit yun daw sabit sa bidding, kaaway ng ibang mga commissioner, hindi nakaka-goal at panay bulakbol, tumataas pa ang ranggo dahil may padrina sa katauhan ni Dragona!
Asset daw ni Speaker Martin Romualdez si Rubio na sinipa sa tungkulin. Grabe! Mas influential ba si Dragona kaysa sa House Speaker na pinsang buo ni PBBM? Bakit very powerful ang bulong ni Madam M? Ilang ulit na raw na-appoint at naalis bilang deputy commissioner mula sa panahon ni PNoy hanggang sa administrasyon ni Duterte dahil sa sari-saring isyu.
Buti na lang hindi niya kailangang dumaan sa Commission on Appointments. Pag nagkataon, baka masita siya nang husto ni Sen. Ping Lacson na naaantipatikuhan sa kanya.
- Latest

















