^

PSN Opinyon

Maging matalino sana sa pagboto

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

DALAWANG tulog na lang at eleksiyon na. Huhusgahan na ang mga sumuyo at nangako na iaahon sa kahirapan ang Pilipino. Pagtutuunan daw nila ng pansin oras na mahalal sila ay mga proyekto na mas kapaki-pakinabang sa sambayanan. Sana ay totoo ang kanilang pangako.

Pero nalaman ko na dahil sa tindi ng labanan ng mga pulitiko, talagang may mga namumudmod ng pera para matiyak na sila ay mananalo. Gagawin nila ang lahat nang paraan para makuha ang boto ng mga nagugutom na botante. Hanggang ngayon na lamang ang kampanyahan kaya palagay ko tala­gang maglalabas na nang maraming pera ang mga kandidato.

Kaya dapat na maging matalas ang pang-amoy ni Comelec chairman George Erwin Garcia. Dapat niyang mahuli ang mga mamumudmod nang limpak sa huling araw ng kam­pan­yahan. Tiyak babaha ang pera sa maraming dako ng bansa.

Ang mahirap ay kapag sa kaban ng bayan kinuha ang perang pinamumudmod sa mamamayan. Kaawa-awa ang taumbayan dahil siguradong babawiin ito ng kandidato kapag nanalo. Tiyak ‘yun. Hindi naman sila bobo para hindi maibalik ang perang nagastos na sa pagkaalam ko ay bilyong piso.

Nalaman ko naman na may ilang kandidato sa adminis­trasyon ni President Ferdinand Marcos Jr., na nagsabing dapat nang alisin ang ayuda na ipinamumudmod ng local government units (LGUs). May katuwiran naman itong mga nagsabi. Tama sila.

May panukala naman ang ilang kandidato na pagtuunan ang kahirapan sa pamamagitan nang paglikha ng trabaho, paularin ang agrikultura upang ang mga beneficiaries ng 4P’s ay magkaroon ng trabaho at may mapagkakakitaan. Kung may trabaho, matutustusan na ang pagkain ng kani-kanilang pamilya at hindi na sila magugutom.

Sa panahon ngayon na kaliwa’t kanan ang natatanggap ng ating mga mahihirap na kababayan, wala na sa isip nila na magbanat ng buto o magpatulo ng pawis. Dahil nga mayroon silang tinatanggap na suporta o ayuda, may nababalitaan ako na ginagastos nila ito sa alak, pagsusugal at pinambibili ng illegal na droga sa halip isuporta sa kanilang pamilya.

Kaya dapat lamang na maturuang magbanat ng buto ang ating mga kababayan at huwag laging umasa sa ayuda. Mahirap ang laging umaasa sa gobyerno. Paano kung maubos ang pondo ng pamahalaan.

Sa mga mahahalal na lingcod bayan sa darating na eleksiyon, dapat magpasa ng batas na lilikha ng mga trabaho. Ito ang dapat ninyog gawin. Mamahalin kayo ng mamamayan kung naisakatuparan ito.

Kaugnay naman sa eleksiyon sa Lunes, dapat na maging alerto ang Philippine National Police (PNP) upang masiguro ang katahimikan at kaayusan ng halalan. Kamakalawa inilarga na ng PNP ang mga pulis at mga sundalo para magbantay sa seguridad. May mga nakadeploy rin mula sa Philippinr Coast Guard, Bureau of Fire Protecton upang masiguro ang kaligtasan ng sambayanan habang ginaganap ang election.

Maging matalino sa pagpili nang iboboto para sa kinabukasan ng ating bansa!

ERWIN GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with