^

PSN Opinyon

Roque dapat lumantad

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Parang nagsilbing inspirasyon kay Harry Roque ang mga pulitikong kalaban ni Marcos Sr. na nagsipagtago sa ibang bansa habang nakadeklara ang batas militar noong dekada 70.

Si Roque ngayon ay humihirit ng political asylum sa Nether­lands, ang bansang kinaroroonan ngayon ni dating Presidente Duterte na lilitisin sa The Hague sa salang crimes against humanity.

Pero iba ang sitwasyon noong panahon ni Marcos Sr. dahil may martial law at sadyang pinagdadakip at ikinala­boso ang kanyang mga kalaban sa pulitika, kaya nagsipulasan sina Jovito Salonga, Raul Manglapus at iba pa.

Ngayon, wala namang martial law. Kaya dinakip at dinala sa International Criminal Court (ICC) si Duterte ay dahil may mga nagdemandang pribadong mamamayan na ang mga mahal sa buhay ay nabiktima ng madugo niyang drug war.

Of course may mga political figures na tumulong sa pag­hahain ng demanda sa ICC gaya ni dating senador Antonio Trillanes na masugid na tagasalungat ni Duterte maging nang ang huli ay Presidente pa.

Dapat, kung magiting na oposisyunista si Roque ay hindi siya magtatago upang gumamit ng dirty tactics sa pagpa­pabagsak kay Marcos Jr.

May mga akusasyong dapat linawin ni Roque at ito ay ang kanyang pagkakadawit sa ilegal na POGO. Iyang ma­la­mang ang dahilan kung bakit pinalilitaw niya na ang pagi­ging wanted niya sa Pilipinas ay politically motivated.

May testimonya pa sa house committee ang isang blogger na nagsabing si Roque ang may gawa at nagpa-viral sa fake video na nagpapakitang sumisinghot ng cocaine si Marcos, Jr.

Narinig pa raw ng blogger sa bibig ni Roque ang mga salitang “Magaling akong magpabagsak ng gobyerno”.

Hindi ko sinasabing naniniwala ako rito pero dapat lumantad at huwag magtago si Roque upang idepensa ang sarili. Ang pagtatago ay senyales na ang inaakusahan ay guilty. Isa pa, karuwagan ang magtago.

HARRY ROQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->