^

PSN Opinyon

Tips para malunasan ang baradong ilong

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

1. Uminom ng 8-12 basong tubig sa isang araw. Puwede ring uminom ng sopas, tsaa at juices.

2. Maligo sa shower gamit ang mainit na tubig. Isara ang pinto sa banyo para makulob ang usok na manggagaling sa mainit na shower. Ang steam o usok ay may water vapor na nagpapalabnaw ng plema.

3. Subukan ang steam inhalation. Magpakulo ng dalawang litrong tubig sa isang kaldero. Kapag kumulo na, palamigin ng 10 minuto at isalin ang tubig sa isang plastic na palanggana. Ilapit ang iyong mukha ng six inches sa mainit na tubig. Itaklob ang tuwalya sa ulo habang nakatapat sa palanggana. Ito’y para makulob ang init at malanghap ang usok na nanggagaling sa tubig. Puwedeng mag-steam inhalation ng tatlo o apat na beses sa maghapon.

4. May tulong ang saline spray na nabibili sa botika. Isa itong botelya na ipinapasok sa ilong at ini-spray. Sa ganitong paraan, mapapalabnaw at matutunaw ang plema sa ilong.

5. Gumamit ng warm compress. Ilubog ang tuwalya sa mainit na tubig at pigain. Ilagay ang mainit na tuwalya sa bandang ilong at noo. Ang warm compress ay nakababawas ng kirot at pamamaga ng sinus.

6. May mga nabibiling gamot para sa sipon (decongestants) pero hindi ito puwedeng inumin ng pangmatagalan. Minsan, nakakaapekto rin itong mga gamot sa blood pressure.

7. Kung may allergy, umiwas sa mga bagay na nakaka-allergy sa iyo. Linisin ang kuwarto at linisin ang mga gamit, kama, sopa at rug. Labhang maigi ang unan, kumot, tuwalya at baro. Ang mga balahibo mula sa alagang hayop at stuffed toys ay nakaka-allergy din. Kung matindi ang allergy, puwede ring uminom ng gamot sa allergy ng paminsan-minsan.

ILONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with