Paano aalagaan ang prostate

Ang prostate ay organ na kasinglaki ng kastanyas at nasa labasan ng ihi ng lalaki. Ang sintomas nang lumalaking prostate ay ang madalas na pag-ihi pero pakonti-konti ang labas. Humihina rin ang daloy ng ihi at parang hindi kumpleto ang pag-ihi. Sa mga may edad, madalas silang gumising sa gabi para umihi.
Narito ang mga paraan para maalagaan ang prostate:
1. Huwag pigilin ang ihi. Mahihirapan ang pantog at bato.
2. Uminom ng walong basong tubig sa isang araw para manatiling malinaw ang ihi.
3. Ugaliing kumain ng kamatis, ketchup, tomato sauce at spaghetti sauce. Mataas ito sa lycopene. Kailangang kumain ng 10 kutsarang spaghetti sauce bawat linggo.
4. Uminom ng green tea (decaffeinated) sa halip na kape. Panlaban sa kanser ang green tea at nagtatanggal ng toxin sa katawan.
5. Kumain ng pagkaing mataas sa fiber tulad ng gulay at prutas.
6. Kumain ng isda kaysa karne.
7. Umiwas sa matataba at matatamis. Iwas sa softdrinks, iced tea at cakes.
8. Umiwas sa alak at kape dahil nakaiirita ito ng prostate.
Paano gagamutin ang lumalaking prostate?
Ayon sa Journal of the American Medical Association (JAMA), ang pag-inom ng saw palmetto ay nakababawas sa sintomas ng lumalaking prostate. Ang saw palmetto ay napatunayang kasing-epektibo ng gamot na finasteride (brand name Proscar) na nirereseta ng doktor.
May tulong din ang mga natural remedies tulad ng pygeum, nettle root at pumpkin seed oil para sa prostate. Uminom din ng multivitamin na may zinc.
- Latest