^

PSN Opinyon

Digong nasa ICC na

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Nasa kustodiya na ng International Criminal Court (ICC) si dating President Digong Duterte matapos maaresto noong Martes sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pagkababa ng eroplano galing Hong Kong. Sinilbihan siya ng warrant of arrest dahil sa kasong crime against humanity. Pasado alas nuwebe ng gabi nang lumipad ang eroplano.

Mahigit 12 oras na nagkaroon ng standoff dahil pinipigilan ng asawa at anak ni Digong sina Torre na maisakay sa eroplano ang dating Presidente. Pati ang dating Cabinet secretary ni Digong ay tutol din na maisakay ito. Pinosasan pa umano ito para hindi makahadlang.

Maraming nagsabing illegal ang pagkaaresto kay Digong dahil bumitaw na ang Pilipinas sa ICC kaya wala nang karapatan ang naturang korte na ipahuli ang dating Presidente. Hinala ng mga DDS ay pakana ni PBBM ang lahat. Subalit sinabi ni Usec Claire Castro, tagapagsalita ng Malacañang na walang kinalaman si PBBM. Tumalima lamang umano ang PNP para isilbi ang arrest warrant kay Digong dahil ang Pilipinas ay kasapi ng International Police (InterPol).

Palagay ko, tatamaan ng asunto sa mga darating na araw si Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Major Gen. Nicolas Torre III dahil siya ang namuno para maaresto at maisakay  sa eroplano si  Digong patungo sa The Hague.

Pero sumusunod lamang sa utos si Torre nang ­arestuhin si Digong. Sa mga naglabasang video footages habang isinisilbi ang warrant kay Digong, naging mahinahon naman ang mga pulis maliban kay Torre na medyo tumaas na ang boses sa harap ng mga abogado’t pamilya ni Digong habang pinipigilan na maisakay sa eroplano ang dating Presidente.

Ngayong nasa ICC na si Digong, gugulong na ang paglilitis sa kanya. Maari na niyang ipagtanggol ang sarili at sagutin ang inaakusa sa kanya. May mga abogado umano si Digong na magtatanggol. Pero dapat abogadong accredited ng ICC ang kukunin niya.

Pero naalala ko ang mga sinabi ni Digong noon na inamin na niya ang mga pagpatay na nangyari noong siya pa ang mayor ng Davao City. Noong nakaraang taon din naman, sinabi niyang bilisan ng ICC ang pag-aresto sa kanya at baka hindi na siya abutang buhay. Naganap na ang hiling niya sa ICC dahil hawak na siya ng mga ito. Magsisimula na ang paglilitis sa kanya.

ICC

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with