Paghihilamos ng mukha
March 12, 2025 | 12:00am
NARITO ang mga kahalagahan ng paghihilamos ng mukha bago matulog at pagkagsing sa umaga:
- Kailangang maghilamos ng mukha sa umaga at bago matulog sa gabi. Mahalaga ito para maging malinis at maging maganda ang balat o kutis.
- Mali ang kasabihan na masama o hindi magandang maghilamos. Maraming naiipon na dumi, muta at bacteria sa mukha. Napaka-oily din ng mukha sa umaga.
- Kapag hindi maghihilamos ng mukha, puwedeng magkaroon ng pimples, kuliti, impeksyon at pamumula ng mga mata.
- Ang pagdami ng muta ay isang senyales na maraming mikrobyo ang mata kaya dapat maghilamos.
- Maghilamos ng mukha sa umaga at bago matulog sa gabi. Puwedeng maghilamos kahit puyat, galing sa trabaho, gumamit ng computer, cell phone, gadget, walang tulog o bagong gising.
- Puwedeng magpahinga ng limang minuto kung gusto, pero kailangan maghilamos pa rin.
- Walang koneksiyon ang paghilamos ng mata sa paningin. Sa katunayan, mas lilinaw ang iyong paningin kapag natanggal ang muta at iba pang dumi sa mata.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended















