^

PSN Opinyon

Maanomalyang kalagayan

IKAW AT ANG BATAS! - Atty. Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Ang bigamya ay ang pagpapakasal ng dalawang beses. Upang mapatunayang may sala ng bigamya, kailangan na ang pangalawang kasal ay talagang may bisa at ayon sa batas. Ngunit dito sa kaso ni Naty, hindi ito napatunayan.

Si Naty, 43-anyos ay may dalawang anak. Mula noong namatay ang kanyang asawa, tumira siya at ang mga anak sa biyenan niya sa probinsiya nito. Dito niya nakilala si Paulo na nagtitinda ng mga baboy sa kanya.

Kahit na duda ang mga anak niya kay Paulo nagpatuloy pa rin si Paulo na ligawan si Naty hanggang sila’y ikasal. Dalawang buwan bago sila ikasal, nakilala ni Naty si Lina na sinabing siya ang asawa ni Paulo at 20 taon na silang kasal.

Ngunit hindi pa rin napigilan si Naty na pakasalan si Paulo. Kinasal ang dalawa kahit walang lisensiya, sapagka’t sinabi ng dalawa na nagsasama na sila ng higit limang taon bilang mag-asawa.

Binigyan sila ng nagkasal ng sertipiko ng kasal kung saan sinabi nito na hindi na kailangan ang lisensiya dahil sa kanilang pagsasama ayon sa Article 34 ng Family Code.

Kaya dinemanda si Naty ng bigamya at sinentensiyahan na may sala dahil sa pangalawang kasal kay Paulo base sa reklamo ni Lina. Sa pagdinig ng kaso sinabi ni Lina na siya ay asawa ni Paulo.

Depensa ni Naty, wala siyang sala dahil hindi niya alam na may asawa na si Paulo dahil nakilala lang niya si Lina pagkaraan. Sinabi rin ni Naty na ang kasal niya kay Paulo ay walang bisa dahil wala siyang lisensiya sapagka’t hindi naman sila nagsasama ni Paulo ng limang taon.

Ngunit sabi ng RTC, may sala pa rin si Naty dahil sa pagpapakasal kay Paulo. Binasehan ng korte ang testimonya ni Lina na nagpakilala na siya kay Naty na asawa ni Paulo. May kasalanan ba si Naty ng bigamya?

Oo, sabi ng Court of Appeals at pinagtibay ito ng Korte Suprema.

Kahit totoo na nagkakilala lang si Paulo at Naty ng kulang apat na taon nagsinungaling pa rin sila sa nagkasal sa kanila dahil ang sertipiko ng kasal mismo nakasaad nito.

May sala pa rin si Naty dahil alam niya na si Paulo ay kasal na kay Lina. Pero ang parusa niya ay dapat babaan dahil siya ay may pagkakasala bilang “accomplice lang at hindi bilang “principal” kaya ang parusa niya ay anim na buwan lang na pagkakulong (Santiago vs. People G.R. 200233, July 15, 2015).

KASAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with