^

PSN Opinyon

Huwag nang patagalin

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

LIMANG LTO traffic enforcers mula Panglao, Bohol ang sinibak na ni Department of Transportation (DOTr) Secre­tary Vince Dizon dahil sa viral video kung saan nakunan ang nasabing enforcers na nanghuli ng rider, tila pinagtulungan at ang isa ay tila binantaan pa ang rider ng nakitang kutsilyo. “Hindi na natin kailangang patagalin pa ito,” ang pa­hayag ni Dizon.

Hindi nga naman dapat pinatatagalan pa ang ganyan kung kitang-kita naman sa nakunang video ang pangyayari. Napakaraming insidenteng nakunan na sa video ang kailangan pa ng “imbestigasyon.” Para saan pa? Para maka­paghanda ng depensa ang may salarin?

Iyan ang hindi ko maintindihan. Katulad ng insidente sa Bohol. Tila binibigyan pa ng katwiran ang kilos ng mga enforcers dahil “medyo malakas kasi ang pagkaka deliver ng comment ni Sir Bert (ang hinuli) na bakit ang hinuhuli niyo lang mahihirap.” Pero agad pinaalalahanan ni Dizon na ang mga enforcers ay naroon para silbihan ang publiko.

Kapag may video kung saan malinaw na mali ang gi­nawa, huwag na sanang mag-aksaya ng panahon, pati na rin oras at pera ng mamamayan sa imbestigasyong walang maipapakitang bago.

Katulad ng lasing na rider na sumalubong sa rampa ng Skyway at harapang bumangga sa sasakyang nasa tamang lugar. Ikinulong pa ang drayber ng sasakyang nasa tamang lugar kahit may video na.

Kaya nga may mga CCTV, dashcam pati na rin camera sa cell phone ay para makunan kaagad ang mga kakaibang pangyayari, lalo na kung may krimen o kamaliang na­ganap, hindi ba?

Isang isyu na inangat din ng insidenteng ito ay ang ma­rurupok na ego ng ilang mga otoridad natin. May nagpahayag na medyo malakas ang comment ng nahuli sa mga enforcers, kaya napikon at pinagtulungan ang rider.

Ayon kay Dizon, dapat maximum tolerance kapag pina­tutupad ang tungkulin. May mga sitwasyon na kailangang kumilos ng mga enforcers, pero sa mga kakaibang sitwasyon lamang. Hindi dahil “malakas ang comment.”

 Ang ating mga opisyal sa pamahalaan, anumang ahensiya sila nagtatrabaho, ay mga civil servants o mga lingkod sibil. Ang mamamayan ang kanilang sinisilbihan. Malungkot at maraming nasa gobyerno ang may pakiramdam at paniniwala na sila ang dapat sinisilbihan.

Kaya nga maraming ahensiya ng gobyerno ang taliwas ang korapsyon dahil kailangang silbihan ang mga empleyado doon, para lang magawa ang pinagagawa. At siguradong marurupok din ang kani-kanilang ego.

Hindi puwedeng taasan ng boses o magreklamo. Kundi, wala nang mangyayari sa pinagagawa mo. Kailangang mabago ito pero para ko nang sinabi na puputi ang uwak.

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with