Paspasang impeachment pabor kay VP Sara Duterte
HINDI sapat na i-impeach si VP Sara Duterte ng mga kaaway sa politika sa House of Reps. Maski 215 kongresista ang pumirma, mahigit katlo ng kasapian na hinihingi sa Konstitusyon, mananatili siya sa pwesto.
Hindi lang ‘yon. Maari pang bumida at muling mahalal ang mga kaalyado ni Sara sa Senado. At matatahimik ang mga kaaway ni Sara nang isang taon batay din sa Konstitusyon.
Ino-obliga kasi ng Konstitusyon ang Senado na agarang litisin ang anumang kasong impeachment. Ibig sabihin, aaktong huwes ang 23 senador (bawas ng isa dahil nag-DepEd secretary si Sonny Angara).
Bagamat ang sakdal sa impeachment ay isyung legal. Ang proseso ay politika. Mga krimen ang ipinapataw kay Sara. Pero ang paghukom ay batay sa kung sino ang kakampi o kaaway - hindi sa ebidensya.
Kailangan ng 16 boto para mag-convict; 9 lang para mag-abswelto.

Ngayon pa lang pwede na magbilangan ng ulo, sino ang mag-a-absuwelto kay Sara. Siyempre nariyan ang mga kapartido at kaalyado:
(1) Robin Padilla, presidente ng PDP Laban ni Rody Duterte;
(2) Bong Go, loyalista at dating punong ayudante ni Duterte;
(3) Bato Dela Rosa, loyalista rin at dating PNP chief ni Duterte;
(4) Imee Marcos, maka-Sara kontra sa sariling pinsan Speaker Martin Romualdez;
(5) Jinggoy Estrada, na nilabas ni Duterte sa kulungan maski may sakdal na plunder;
(6) Cynthia Villar, NP chairman na sumuporta sa 2016 kampanyang pangpangulo ni Duterte;
(7) Mark Villar, public works secretary ni Duterte;
(8) Allan Peter Cayetano, foreign secretary ni Duturte;
(9) Pia Cayetano, miyembro ng MP at kapatid ni Allan.
Ku’ng gan’un, namiskakula kaya ng mga kongresista ang hirit?
- Latest