^

PSN Opinyon

Pasay City Mayor Rubiano, nagpabaya vs ilegal POGO!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

FLASH report! Nagpadagdag ng P15,000 ang tong kolektor na si Richard Tisoy sa mga financiers ng sugal lupa sa Metro Manila. Ganito ang breakdown ni Richard Tisoy mga kosa: P5,000 sa opisina ni NCRPO chief Brig. Gen. Anthony Aberin, P5,000 sa opisina ng mga District Directors at P5,000 para sa lokal o chiefs of police.

Binalewala ni Richard Tisoy ang Able, Active at Allied na programa ni Aberin. Ano sa tingin mo Boss Lakay? Teka, teka, di ba kadedeklara lang ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil ng “no take policy” sa illegal gambling? Abayyy dinedma ni Richard Tisoy ang kautusan ni Marbil ah. Sanamagan! Habulin mo nga si Richard Tisoy, Gen. Marbil Sir!

• • • • • •

Dapat sitahin ni President Bongbong Marcos si Pasay City Mayor Imelda Rubiano dahil sa hindi pagsawata sa operation ng POGO hubs sa kanyang siyudad. Kung tunghayan ang records ng PAOCC, halos limang POGO hubs na ang sinalakay ng mga awtoridad sa Pasay at mukhang wala pang katapusan ito.

Ang matindi pa, dalawang POGO hubs na ang na-raid sa siyudad ni Rubiano matapos tuldukan ni BBM ang operation nito noong Disyembre. Anyare? Nagbanta din si Interior Sec. Jonvic Remulla na parurusahan ang LGUs na hindi kumikilos laban sa POGO kaya’t nasa magandang timing si BBM kung hahagupitin niya si Rubiano, di ba mga kosa?

Bakit hindi maikumpas ni Rubiano ang kamay na bakal niya laban sa POGO? May kumikita kaya sa City Hall? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kapag hindi naparusahan nina BBM at Remulla si Rubiano, hindi maganda ang dating nito sa iba pang LGUs. ‘Ika nga, panay hangin lang pala ang pagbabanta nila sa LGUs na hindi tumatalima sa stop POGO campaign nila. Tumpak!

Noong Miyerkules lang, ni-raid ng mga tauhan ni CIDG director Maj. Gen. Nicolas Torre III, kasama ang PAOCC, at ACG-DOJ ang POGO hub sa Pasay at inaresto ang 401 foreign nationals, at 52 Pinoy.

Ayon kay Torre, sangkot sila sa large-scale crypto currency scams, love scams, investment fraud, at spamming operations. Dipugaaaaa!

Nakumpiska ang 20 safety vaults, text blasters, One-Time Password generators, cold crypto wallets, laptops, celfones, at assorted electronic at digital devices. Araguyyyyy! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ayon kay Torre, isinagawa ang operation dahil sa report ng concerned citizen na maraming banyaga, kabilang dito ang Chinese, Vietnamese, Korean, Malaysian, Indonesian, Myanmar at Madagascar, ang labas-masok sa building.

Dati ng may POGO hub sa building subalit imbes na magsara, abayyy lumipat lang sa mga itaas na bahagi ng building ang mga financiers at empleyado, ani Torre. Sanamagan! Malaki talaga ang kita sa POGO kaya tiyak may kasapakat sila sa City Hall at iba pang sangay ng gobyerno ni BBM. Tiyak ‘yun! Ano sa tingin n’yo mga kosa? Ang sakit sa bangs nito!

Sinabi pa ni Torre na ginagamit ng POGO sa kanilang scams at spamming ang mga apps na Viber at Telegram. Hala, parusahan na ang dapat parusahan. Teka, teka, puwede kaya na si Torre na lang ang humabol kay Richard Tisoy? Sal-it! Abangan!

POGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with