^

PSN Opinyon

Masamang epekto nang sobra-sobrang pagkain

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MAY masamang epekto sa katawan ang pagkain nang sobra-sobra. Dodoble ang trabaho ng liver, pancreas, kidney at heart dahil sa sobrang dami nang kinain. Mahihirapang tunawin ang kinain.

Tataas din ang blood sugar. Kapag labis ang kinaing karne, marami ring dumi na kung tawagin ay “free radicals” ang ilalabas nito.

Kaya ipinapayo ng mga eksperto ang pagkain ng “high nutrient at low calorie diet.” Ang ibig sabihin, mataas sa nutrisyon ang dapat kainin pero mababa naman sa calorie.

Para matupad ito, subukang kumain nang mas maraming gulay, isda, prutas, beans at soy products gaya ng tofu, taho at tokwa.

Bawasan ang pagkain ng karneng baka at baboy, mata­tamis na inumin, at matatabang pagkain. Limitahan din ang pagkain ng kanin. Subukan ang kalahati o 1 tasang kanin lang bawat kainan pero damihan ang gulay at prutas. Kung mababawasan ng 10 percent ang kinakain, pupuwede na.

Ang isa pang payo ay ang pagkain ng 5-6 na beses sa isang araw, pero pakonti-konti lang. Ang isang saging, mansanas o pandesal ay puwede nang pangmeryenda.

Sa ganitong paraan, dahan-dahan ang pagpasok ng nutrisyon sa katawan. Mas maginhawa ito sa mga organ ng katawan.

Gayahin natin ang mga Japanese na konti lang ang kinakain pero mahaba ang kanilang buhay. Huwag labis na magpakabusog.

KIDNEY

LIVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with