^

PSN Opinyon

Tabi kayo, superheroes, pasok ka na, Super Mario

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

HINDI magpapahuli sa uso ang Hollywood. Nabalitaan ng producers na kumita ang Minecraft video game nang $300 milyon. Simple lang ang produksyon. Cubes lang lahat­ ng elemento, mula buhangin hanggang barko. Isip lang ng naglalaro ang magpapagalaw, magpapalaki o liit, at mag­ba­bago ng kulay. Kayang-kaya ‘yan ng film studios.

Nag-uunahan ang producers maglabas ng 30 pelikula batay sa video games. Madali na ito dahil sa artificial intel­ligence: mas matinding special effects, mas mabilis na pro­duk­syon. Ipapalabas nila sa standard gadgets ng video games: mobile phone, tablets at computers.

Nitong nakaraang dekada ay nauso sa pelikula ang superheroes. Ang sarap naman talaga panoorin sina Super­man, Spiderman, Batman, Wolverine, Captain America sa malaking telon.

shutterstock photo

Pero matatanda na ang nagbabasa ng komiks na pinang­galingan ng superheroes. May bagong henerasyon na ng manonood. Sila ang mas maraming mga Millennials, Gen Z at Gen Alpha. Sanay sila sa small screen at video games libangan nila.

May mga naluging isina-pelikulang video games. Halim­bawa: “Doom”, “Monster Hunter”, “Tekken”, “Prince of Persia”, “Street Fighter”.

Pero mayroon din mga sobrang patok: “Transformers” franchise, “Resident Evil”, “Five Nights at Freddy’s”. Napansin ng producers na hinog na sa panahon ang mga pelikulang video games. Kumita ng $1.4 bilyon ang “Super Mario Bros” pangalawa lang sa “Barbie” nu’ng 2023.

Nakikini-kinita ng Economist magazine na taong 2025 papalitan ng video games at maglalaho ang superheroes. Maari magkaroon ng remake ng “Super Mario at Luigi” na paborito ng bata’t matanda.

Mas maraming naglalaro ng video games kaysa na­nonood ng TV. Mas marami nang anim na beses ang nano­nood ng Game Awards kaysa Academy (Oscar) Awards.

GAME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->