^

PSN Opinyon

Mga wanted sa Eastern Visayas, hinakot ni Gen. Cardiño!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

HAPPY Fiesta my hometown, Alimodian, Iloilo!

••••

WALA pang dalawang linggo si PRO8 director Brig. Gen. Romano Cardiño sa kanyang puwesto subalit umaarangkada kaagad ang kanyang programa kontra kriminalidad. Hamakin mo, mula Septermber 1 hanggang September 19, 277 wanted persons kaagad ang nadale ng mga tauhan ni Cardiño. At ang ibinigay na dahilan ni Cardiño kung bakit ganado na magtrabaho ang kanyang mga tauhan ay ang pilot project n’yang tinatawag na SAFE, na ang disenyo ay ang pagbigay sa publiko ng mas accessible, coordinated, at prompt public service sa oras ng emergency. Tawag ka lang sa DIAL 911 at presto….responde kaagad ang kapulisan.

Ang ibig sabihin ng SAFE mga kosa ay Seen with integrity, Appreciated through Professionalism, Felt through action, at Extraordinary police service. Epektibo din ang SAFE vs kriminalidad! Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa kanyang report, sinabi ni Cardiño na sa mga naaresto, 41 dito ang Most Wanted Persons o ‘yaong nahaharap sa matinding kaso, samantalang 236 ang wanted persons. Ang may malaking pag-aresto ay ang Leyte PPO na may bilang na 88, at sinundad ng Tacloban City PO sa 64, samantalang ang Northern Samar PPO ay may 37. Ang Samar PPO naman ay may 35, Eastern Samar sa 17, Southern Leyte PPO sa 16,  ang Biliran PPO may 10, ang Ormoc City PO sa 7 at ang Regional Mobile Force Battalion may 8.Pinursigi ni Cardiño ang kanyang mga tauhan na ituloy pa ang kanilang momentum sa paghabol ng mga wanted persons, upang managot sila sa korte sa kasalanan nilang nagawa. “We will continue to strengthen our efforts and coordination among our police units to locate and lawfully apprehend wanted individuals. We also urge the public to share any information that may help authorities in carrying out these operations,” ayon kay Cardiño. Purbidang yawaahhhhh!

Sa liderato ni Cardiño, itataas nito ang kanyang SAFE program, na naging epektibo n’yang naisakatuparan sa dati n’yang mga assignment, kabilang na sa PRO NIR.

“The S.A.F.E. initiative reflects PRO8s continuing thrust for a police service that is visible, responsive, and capable of providing immediate assistance during critical situations,” ang pahayag ni Cardiño. “Bringing the program to PRO 8, my leadership seeks to build on its established framework while adapting it to the needs and realities of the region,” ang dagdag pa ni Cardiño. Sanamagan!

Iginiit ni Cardiño na ang presensiya ng pulis sa kalsada ay hindi lamang upang tugunan ang police visibility na aspeto ng trabaho nila kundi dapat makikita ng publiko ang genuine service at makabuluhang aksiyon. Abangan!

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with