^

PSN Opinyon

Mataas na presyo ng bigas

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAGDEKLARA na si Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. ng “food security emergency on rice’’ dahil sa mataas na presyo ng lokal na bigas ngayon. Ito ay matapos magbigay ng rekomedasyon ang National Price Coordinating Council. Ang ibig sabihin nito ay maglalabas na mga naka-imbak na bigas mula sa mga bodega ng NFA para bumaba ang presyo ng lokal na bigas. Ang target ay P38/kilo. Sa mga ahensiya ng gobyerno at lokal na pamahalaan ibibigay ang mga bigas para mabenta sa mga palengke. Ang deklarasyon ay hindi ibig sabihin na may shortage na sa bigas. Nasa 300,000 tonelada ng bigas ang ilalabas ng NFA.

Makikinabang din umano ang ating mga magsasaka ng palay. Dahil mababawasan ang mga nakaimbak na bigas ng NFA, bibili sila muli sa mga magsasaka para manati­ling puno ang mga bodega ng NFA. Sana nga ganun ang mangyari. Dehado ang ating mga magsasaka dahil sa dami ng inaangkat na bigas mula sa ibang bansa. Mas mahal ang imported na bigas pero mukhang sila pa rin ang nalulugi dahil lumalabas na mura pa ang imported na bigas kapag binili sa ibang bansa.

Sinisisi rin ng gobyerno ang mga mapagsamantalang negosyante ng imported na bigas. Nagmura ang kanilang binabayarang buwis para mag-angkat ng bigas, pero hindi naman inilalabas sa merkado at tinatambak na muna para tumaas ang presyo. Kung bakit hindi mabuwag ang mala-sindikatong ito ay nakapagtataka.

Nakapagtataka rin na isang agrikulturang bansa tulad natin, hindi kayang tapatan ng produksiyon ng palay ang pagkonsumo ng bigas. Hindi tayo magaya sa Vietnam. Ito ang dahilan kung bakit kailangang mag-angkat ng bigas na kompetisyon ng mga lokal na magsasaka. Mahalaga ang bigas sa Pilipino. Bihira kang makakakita ng kumakain na walang kanin dahil tila hindi ka nga nabubusog kung wala nito. Hindi pa masabi kung kailan babawiin ang “food security emergency” ni Tiu Laurel. Siya lang ang makaga­gawa nito. Siguro kapag hindi na gumagalaw ang presyo ng lokal na bigas.

FARM

RICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->