^

PSN Opinyon

EDITORYAL - PNP, sumuko na sa missing ‘sabungeros’?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - PNP, sumuko na sa missing �sabungeros�?

Wala na nga bang ginagawa ang Philippine Na­tional Police (PNP) sa mga nawawalang sabu­ngeros? Nawala ang mga sabungeros noong Disyem­bre 2020 hanggang Enero 2022. Hindi sabay-sabay ang kani­lang pagkawala at iba’t iba rin ang lugar kung saan sila nawala na hinihinalang dinukot. May nawala sa Maynila, Bulacan, Rizal at Laguna. Nakadagdag sa hinala na kaya tumamlay ang PNP sa paglutas sa kaso ay dahil may mga pulis umanong sangkot sa pag­ka­wala ng mga sabungeros. Ayon sa report, 34 na sabu­ngeros ang nawawala. Dinukot ang mga ito habang nasa sabungan at ang iba ay habang palabas sa sabu­ngan makaraan ang sabong.

Nakapagbigay naman ng pag-asa sa mga kaanak ng anim na missing sabungeros ang pagkansela ng Court of Appeals (CA) sa piyansa ng anim na akusado sa pagdukot sa anim na nawawalang sabungeros noong Enero 2022. Dinukot ang anim sa isang sabungan­ sa Maynila. Nakunan ng CCTV ang pagdukot at isinakay sa van ang mga sabungeros.

Batay sa 18-pahinang ruling ng CA Third Division, nagkaroon ng grave abuse of discretion ang judge ng Manila Regional Trial Court Branch 40, nang pagbigyan nito ang petition na makapagpiyansa ang mga akusado na kinabibilangan ng anim na security personnel ng Manila Arena. Naglagak ng tig-P3 milyong piyansa ang mga sekyu kaya nakalaya.

Hinihinalang mga pulis ang dumukot sa mga sabu­ngeros. Sa San Pablo, Laguna, limang pulis ang ina­akusahang dumukot sa master agent na si Ricardo Lasco ng San Pablo City, Laguna. Bagamat nahuli ang mga pulis, hindi pa rin panatag ang kalooban ng mga kaanak ni Lasco sapagkat hindi pa ito nakikita.

Sa isang pahayag noon ni Justice Sec. Crispin­ Remulla, sinabi nito na maaaring patay na ang mga sabu­ngeros. Ayon kay Remulla, mabigat ang sitwasyon kaya ganito ang maaaring isipin. Sabi naman ng PNP noon, maaaring buhay pa ang mga sabungeros. Missing­ lamang umano ang mga ito at patuloy silang uma­asa na matatagpuan ang mga ito. Ayon pa sa PNP, nakikita nilang motibo sa pagkawala ng mga sabungeros ay bilang pagganti sa ginagawa umanong pandaraya ng mga sabungeros kung saan natatalo o nalulugi ang may-ari ng sabungan. Ayon pa rin sa imbestigasyon, sangkot ang mga nawawalang sabungeros sa game-fixing.

Halos maglilimang taon nang nawawala ang sabu­ngeros at ni anino nila ay hindi nasisilayan. Pero sa kabila niyan, naniniwala ang PNP na maaaring buhay pa ang mga ito gaya ng kanilang pahayag noon. Kung ganun ang kanilang paniwala, ipakita naman sana ang marubdob na paghahanap sa mga nawawala. Ipa­malas na hindi sila tumitigil sa paglutas ng kaso sa kabila na may mga kabaro silang nasasangkot dito.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->