^

PSN Opinyon

Imulat ang mga mata

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Imulat ang mga mata at huwag magbulag-bulagan kung patuloy kang sumusuporta sa pulitiko na aminadong mamamatay-tao at lantarang pinagbubukalan ng mabahong salita ang bunganga na masahol pa sa poso negro.

Oo, puwedeng hindi biro ang dami ng mga supporters na ito na puwedeng nabubulagan lang, nagpapanggap na bulag o sadyang kaparehas ang ugali ng iniidolo. Ayaw kong isipin na ganyan na kababa ang karakter nang maraming Pilipino. Ngunit kung patuloy silang yayakap sa kanilang itinuturing na bayani, malamang, ganyan na nga tayo.

Buksan ang mga mata nang makita ang katotohanan. Isipin hindi ang ating kinabukasan kundi ang hinaharap ng ating mga anak. Ako, ayaw kong mamulat ang aking mga apo sa ganyang bruskong pag-uugali.

Noong araw, mayroon akong “Erap joke”. Hanga ako sa dating Presidente Joseph Estrada dahil pati siya ay natatawa sa mga biro kahit nilalait na ang kanyang pagkatao. Ako man ay may joke tungkol sa kanya na itinampok ko sa aking cartoon series na Litratalks.

Erap : “Aide, saklolo! Nabulag ako!!!”

Aide : “Hindi bossing. Nakapikit kasi kayo eh.”

Marami ang natawa pero may mensaheng mahalaga na nakatago sa patawang ito. Minsan nagbubulag-bulagan ang tao sa mga palsong ginagawa ng kanyang taong iniidolo.

Buksan ang ating mga mata nang malinaw tayong makakita. Kung hindi magbabago ang ating ugali, walang pag-asang bubuti pa ang kalagayan ng ating Inang Bayan.

ERAP

JOKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with