^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Evacuation centers

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL â Evacuation centers

HINDI na magiging problema sa hinaharap ang sisilungan ng mamamayan na naapektuhan ng bagyo, lindol, sunog, baha at iba pang kalamidad. Hindi na rin gagamitin ang mga public school at covered court para silungan ng mga apektadong mamamayan. Sa wakas, nilagdaan ni President Ferdinand Marcos Jr. ang Ligtas Pinoy Centers Act noong Biyernes (Disyembre 6) kung saan gagawa nang matibay na evacuation centers­ sa bawat munisipalidad na kumpleto sa pasilidad. Bi­nig­yan ng direktiba ng Presidente ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa pagtatayo ng evacuation centers. Sabi ni Marcos, tiyakin ng DPWH na matatapos sa tamang panahon ang konstruksyon ng evacuation centers at dapat nakasunod ito sa mga pamantayan ng National Building Code.

Sa ilalim ng batas, nakasaad na ang evacuation centers ay:

1. Nakatayo sa lungsod o bayan at malayo sa lugar ng panganib.

2. Nararapat na matibay ang mga gagamiting mater­yales at kayang tumayo sa supertyphoon na may lakas na hangin na 300 kph. Kaya rin nito ang magnitude 8 na lindol.

3. Nararapat na may sapat na ventilation at kayang makatuloy nang maraming bilang ng evacuees.

4. Nararapat na may sleeping quarters, may hiwalay na banyo at kubeta para sa lalaki at babae. Bukod pa ang para sa mga matatanda at mga may kapansanan.

5. Nararapat na may kitchen at dining area.

6. Nararapat na may sapat na pagtatapunan ng ba­sura at regular na kokolekta.

7. Nararapat na may healthcare areas at mayroon ding quarantine area.

8. Narararapat na may recreation area.

9. Nararapat na may rain harvesting and collection system.

10. Nararapat na may naka-standby na power gene­ration para sa ilaw at para sa operation ng medical and telecommunications equipment.

11. Nararapat na may powerhouse at may pumping water facilities.

12. May storage para sa pagkain at iba pang non-food items.

Ngayong isa nang batas ang pagtatayo ng evacuation centers, nararapat nang umpisahan ito ng DPWH. Ang bansa ay lagi nang dinadalaw ng kung anu-anong kalamidad at mahalagang maisagawa ito sa lalong ma­daling panahon. Nararapat namang masunod kung ano ang nakasaad sa batas at nakabatay sa National Building Code. Baka madaliin at tipirin ng mga contractor ng DPWH at maging panganib naman sa buhay ng evacuees. Hindi sana mabahiran ng korapsiyon ang mga itatayong evacuation centers.

DPWH

EVACUATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with