Tangere survey sa PBBM Cabinet men
Nagsagawa ang Tangere, isang survey firm ng trust and satisfaction ratings ng mga miyembro ng Cabinet ni President Bongbong Marcos noong Oktubre 23 hanggang 24 na nilahukan ng 1,500 katao na tinanong ang pagtaya nila sa performance ng mga opisyal.
Ginawa ang survey sa buong bansa na ang 12 percent ay mula NCR, 23 percent sa Northern Luzon, 22 percent at sa Southern Luzon, 20 percent. Ang Tangere ay kasapi ng Marketing and Opinion Research Society of the Philippines (MORES), Philippine Association of National Advertisers (PANA), at Philippine Marketing Association (PMA).
Nanguna sa may mataas na approval rating sa Gabinete ni Marcos sina:
- Sonny Angara (Secretary of Education) – 60.73 percent
- Gilberto Teodoro Jr. (Secretary of National Defense) – 55.87 percent
- Jonvic Remulla (Secretary of Interior and Local Government) – 53.73 percent
- Ralph Recto (Secretary of Finance) – 52.87 percent
Mataas ang approval rating ng Department of Interior and Local Governments kung kaya ito ay pumuntos sa bagong Secretary na si Remulla, partikular na sa ginagawang kampanya nito laban sa kriminalidad, corruption at droga.
Sina Sonny Angara (Education), Gilberto Teodoro Jr. (National Defense), at Ralph Recto (Finance) ay nagtamo rin ng high rating sa kanilang accomplishments sa kanya-kanyang departamento.
Nagtamo ng low rating si Secretary Amenah Pangandaman ng Budget and Management na 40.13 percent.
Nakikita rito na ang mga departamentong direktang nasa larangan ng social welfare, education, defense at finance ay may mas mataas na approval rating.
Nagtamo rin ng mababang rating ang mga department gaya ng justice, public works and highways, at energy. Impresyon marahil ng taumbayan na ang mga ito’y dapat pang pagbutihin ang performance.
- Latest