^

PSN Opinyon

Lalaki na 2 buwan na palutang-lutang sa nagyeyelong dagat sakay lamang ng inflatable boat, himalang nakaligtas!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

Isang 46-anyos na lalaki sa Russia ang himalang nakaligtas matapos ang 67 araw na palutang-lutang  sa nagyeyelong dagat sakay lamang ng isang inflatable boat.

Noong Agosto 9, naglakbay papunta sa Sakhalin Island si Mikhail Pichugin, kasama ang kanyang kapatid na si Sergey at ang 15-anyos na pamangkin na si Ilya sakay ng isang inflatable raft.

Makalipas ang ilang araw, inireport na ng kanilang mga pamilya sa mga awtoridad ang kanilang pagkawala, kaya’t nagsimula ang isang search and rescue operation gamit ang mga eroplano at helicopter.

Matapos ang ilang araw na paghahanap, unti-unting nawala ang pag-asa na matagpuan pang buhay ang tatlo. Pagsapit ng Setyembre, nagpasya nang itigil ang paghahanap sa tatlo dahil imposible na silang mahanap.

Ngunit noong Lunes, Oktubre 14, natagpuan ng isang fishing vessel ang inflatable boat nina Mikhail sa Okhotsk sea.

Ayon sa mga tripulante ng fishing vessel na nag-rescue sa inflatable boat, halos wala nang lakas si Mikhail para magsalita at nahirapan itong abutin ang lubid na kanilang inihagis dito. Ngunit humihinga pa ito, isang bagay na maituturing na milagro sa ganitong sitwasyon.

Sa kasamaang-palad, ang kapatid ni Mikhail at ang pamangkin nito ay hindi kinaya ang matinding lamig sa gitna ng dagat. Bilang nag-iisang nakaligtas, tinali ni Mikhail ang katawan ng kapatid at pamangkin sa bangka upang hindi matangay ng mga alon.

Isinampay naman nito ang kanilang mga jacket sa gilid ng bangka upang makatawag pansin mula sa anumang barko o eroplano na dadaan. Ayon sa ulat ng isang Russian news agency nasa maayos na ­kondisyon na ang pangangatawan ni Mikhail bagamat nakararanas pa rin ito ng post traumatic stress disorder (PTSD).

Walang makapagsabi kung paano nakaligtas ng 67 araw si Mikhail sa sobrang lamig na temperatura sa gitna ng nag­yeyelong dagat. Pero may hinala ang kanyang misis na ang mataba nitong katawan ang nakatulong para ito mag-survive.

Bago umalis si Mikhail ay may timbang ito na 100 kilos (220 pounds), ngunit bumagsak sa 50 kilos (110 pounds) matapos ma-rescue.

Sa kabila ng kanyang mga naranasan, nahaharap ngayon si Mikhail sa mga kasong may kinalaman sa paglabag sa maritime safety rule at maaaring siyang makulong ng pitong taon.

RUSSIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with