^

PSN Opinyon

Pasma

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

AYON sa mga paniniwala, ang tinatawag na “pasma” ay nagdudulot ng panginginig at pagpapawis ng kamay. Ngunit sa aking pag-aaral, maraming sakit ang puwede magdulot ng sinasabing sintomas ng pasma. Dapat iwasan ang mis-diagnosis o maling gamutan.

Kadalasan, ang mga sumusunod pala ang tunay na sakit ng pasyente:

1. Arthritis, osteoarthritis at rheumatoid Arthritis – Sumasakit, sumisikip at namamanhid ang kamay sa arthritis. Dahil ito sa pag-edad at sobrang gamit ng kamay at katawan.

2. Carpal tunnel syndrome – Pamamanhid ng kamay ang sintomas ng sobrang paglaba at paggamit ng kamay sa trabaho. May naiipit na median nerve dito.

3. Hyperhidrosis o sobrang pawisin – Nagdudulot ng sobrang pagpapawis sa kamay at paa. Puwede sa nerbiyos o namamana ito.

4. Lumbar and sacral disease – Manhid at masakit ang paa at binti, posible dahil may naiipit na ugat sa likod.

5. Diabetes – Nakasisira ng nerves at nagdudulot ng pama­manhid sa paa at kamay.

6. Parkinson’s Disease – Sakit pag-edad na nanginginig ang kamay at hirap maglakad na parang matutumba palagi.

7. Edema from heart and kidney disease – Ang manas ay puwede magmula sa sakit sa puso at kidneys.

8. Varicose veins – Dulot ito dahil sa matagal na pagtayo at pag-upo at namamana rin. Gumalaw-galaw at magsuot ng compression stockings.

Payo: Huwag balewalain ang mga naturang sakit at sabihin na pasma lang. Dapat matukoy kung anong sakit ito para magamot ng maaga at tama. Kumunsulta sa doktor.

Narito ang ilang traditional medicine na puwedeng gawin at hindi makasasama:

1) Masahe sa kamay at paa; 2) Pagbabad sa tubig na may asin; 3) Pag-iwas sa malamig na tubig; at 4) Magpahinga muna ng 30 minutes bago maligo.

vuukle comment

PASMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with