^

PSN Opinyon

May naiiwan pa bang pulis?

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

ANG tanong ngayon ay kung may naiiwan pa bang pulis sa ibang mga rehiyon ng bansa?

Maraming pulis—tinatayang 3,000 na ang narito sa Davao City at nakisali sa paglusob sa Kingdom of Jesus Christ (KOCJ) para arestuhin si Pastor Apollo Quiboloy at apat na iba pa.

Ihahain ang warrant of arrest kina Quiboloy na nahaharap sa mga kasong sexual assault at human trafficking. May kaso pang kinakaharap si Quiboloy sa United States.

Sa dami ng kapulisang dumating dito sa Davao City, may naiiwan pa kaya sa kani-kanilang police offices.

Kabilang sa mga dumating dito ay galing Regions 9, 10 at sa mga probinsiya ng Davao Occidental, Davao Oriental at Davao del Norte.

Mahirap ngang arestuhin ni Quiboloy. Mahigit isang linggo na siyang hinahanap sa 30 ektaryang KOJC compound sa Diversion Road ng Davao City pero hindi makita.

Hindi kaya magkulang ang mga pulis sa ibat-ibang rehiyon at probinsiya dahil dinala na sa KOJC compound?

Ang tanong sa PNP ay kung may fall-back position ba sila sa mga nangyayari ngayon.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with