^

PSN Opinyon

Hindi pa nahuhuli si Pastor Quiboloy

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

ALAS SINGKO ng umaga kahapon nang pumasok ang 3,000 pulis sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa diversion road na kalapit lamang ng Davao International Airport.

Ngunit inabot ang mga pulis ng alas dos ng hapon hindi pa rin nila nadakip ang lider ng KOJC na si Pastor Apollo Quiboloy. Hindi rin nadakip ang apat pang kasama ni Quiboloy. Sina Quiboloy at mga kasama ay may kasong harassment at  sexual assault.

Ayon kina Brig. Gen. Nicolas Torre III at Major ­Catherine dela Rey, spokesperson ng Police Regional Office XI, hindi pa tapos ang kanilang operasyon sa KOJC compound. Magsasagawa uli sila ng mga pagsalakay hangga’t nadarakip ang chosen Son of God na si Quiboloy.

May P10 milyon na nakapatong sa ulo ni Quiboloy at P1 million sa mga kasama nito, ayon sa DILG. Isa pa lamang sa mga tauhan ni Quiboloy ang nahuhuli.

Dinoble naman ng mga miyembro ng KOJC ang reward kung sino ang makapagtuturo sa nagbigay ng P10 milyon reward para mahuli si Quiboloy. Bawal daw magbigay ng reward ang private individual.

Masyado nang magulo ang mga nangyayari sa pag-aresto sa pastor. Ilang beses na  ring tinangkang pasukin ang compound ni Quiboloy.

Sabi ni Torre matagal pa umano bago matapos ang panibagong pag-atake sa KOJC compound.

Noong Hunyo 10, nilusob ng mga pulis ang KOJC compound pero bigong nadakip si Pastor Quiboloy.

Hindi pa alam kung ano ang kahinatnan ng pagsalakay sa KOJC compound.

LAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with