^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Agri smuggling patuloy pa rin!

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Agri smuggling patuloy pa rin!

Twelve days na lang at “ber” month na. Itong “ber” month ang inaabangan ng mga smuggler ng agricultural products particular na ang sibuyas, carrots, luya, bawang at iba pa. Kailangan ang mga ito sa holiday season. Hindi kumpleto ang mga pagkain na ihahanda kung wala ang mga nabanggit na produkto. Kaya hindi na nakapagtataka na aktibo na naman ang mga sindikato ng sibuyas at ginagawa ang lahat nang paraan para makapagpalusot.

Noong Huwebes, nakasamsam ang Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) ng 300 tonelada ng smuggled na gulay nang salakayin ang da­lawang bodega sa Navotas City. Ang isa sa mga bodega ay naglalaman ng 132.75 tonelada ng puting sibuyas na nagkakahalaga ng P21.2 milyon, samantalang ang isa pang bodega ay may laman na 89.89 tonelada ng carrots na nagkakahalaga ng P13.48 ­milyon. Bukod sa sibuyas at carrots, nakakumpiska rin ng 360 kilo ng kamatis at 10 kilo ng enoki mushrooms.

Ipinag-utos ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel sa Bureau of Plant Industry na suspendihin ang pag-iisyu ng import permits sa sibuyas at carrots. Ayon kay Tiu-Laurel, sagana ang bansa sa sibuyas at carrots dahil harvest season ngayon. Hindi raw niya hahayaang ang illegal at masamang praktis na ang mga lokal na magsasaka ng gulay ang nasasaktan. Nawawalan umano ng ikinabubuhay ang mga magsasaka dahil sa mga smuggler ng gulay. Nanawagan siya sa mamamayan na ireport sa DA ang anumang impormasyon ukol sa smuggling ng agricultural products sa bansa.

Ang nangyayaring pagdagsa ng smuggled na sibuyas ay nagpapaalala sa nangyaring pagmamahal ng produktong ito noong Disyembre 2022 kung saan, umabot sa P700 per kilo ng sibuyas. Unang pagkakataon na naranasan sa bansa ang sobrang mahal na sibuyas. Bukod sa mahal, wala pang mabili. Nabatid na minamanipula at tinatago ng mga ganid na traders ang sibuyas. Dahil walang mabili ang mga tao, tinataasan ng mga ganid ang presyo ng sibuyas kaya nagkaroon ng krisis.

Nagkaroon ng imbestigasyon ang House of Representatives at Senado ukol sa krisis sa sibuyas. Nakilala naman ang mga traders na nasa likod ng krisis. Tinukoy ng Senado noon ang isang nagngangalang Leah Cruz na tinaguriang “Sibuyas Queen”. Sa kabila ng mga imbestigasyon, walang nakasuhan sa mga ganid na traders ng sibuyas.

Noong Hulyo 2023, sinabi ni President Ferdinand Marcos Jr. hahabulin ang smugglers at hoarders ng agri products. Ngayon dapat magpursigi ang pamahalaan sapagkat aktibo na naman ang agri smugglers. Dapat may masampolan at makulong sa kanila.

vuukle comment

BOC

DA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with