^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Sa himpapawid naman nangha-harass ang China

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Sa himpapawid naman nangha-harass ang China

SOBRA na ang ginagawa ng China. Nagsawa sila sa pambu-bully sa karagatan, ngayon naman ay sa himpapawid sila gumagawa ng kawalanghiyaan. Mas mapanganib ang ginagawa nila ngayon sapagkat sa kaunting pagkakamali ay maaring mag-crash ang eroplano ng Pilipinas at may mamatay.

Dalawang Chinese aircraft ang pumasok sa himpa­pawid ng bansa sa Bajo de Masinloc noong Agosto 8 at hinarass ang Philippine Air Force (PAF) NC-2121 pro­peller aircraft habang nagsasagawa ng pagpapatrol sa lugar. Nagpakawala ng mga flares ang dalawang Chinese planes sa himpapawid sa direksiyon ng PAF plane. Mapanganib ang ginawa sapagkat maaring mapahamak ang mga piloto ng PAF.

Nakagugulat ang panibagong pangha-harass ng China sapagkat nagkasundo na ang mga opisyal ng Pili­pinas at China sa pagpupulong sa Beijing na iwasan ang anumang hakbangin na makakapagpalala ng tensiyon sa West Philippine Sea (WPS). Hindi tumutupad sa kasunduan ang China.

Sariwa pa ang pangyayari noong Hunyo maka­raang maputulan ng hinlalaki ang isang sundalong Pinoy makaraang banggain ng China Coast Guard ang sinasakyang rubber boat habang naghahatid ng supply sa BRP Sierra Madre. Ang sundalong naputulan ng daliri ay si Seaman First Class Jeffrey Facundo. Si Facundo at 80 iba pang sundalo ay nakipagbuno sa mga miyembro ng China Coast Guard na gumitgit sa kanila habang nagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal. Dalawang barko ng CCG ang umipit sa resupply boat ng Pilipinas. Armado ng itak, maso at tear gas ang mga miyembro ng CCG. Binutas ng mga ito ang rubber boat ng mga sundalong Pinoy. Ninakaw ang bag, mga baril at iba pang mga gamit. Maraming nabasag na equipment sa sasakyan ng mga Pinoy.

Noong Mayo walong beses binomba ng tubig ng CCG ang BRP Datu Bankaw. Bukod sa pagbomba, apat na beses na binangga na ikinasira ng railings nito. Bukod sa pagkasira ng railings, nasira rin ang mga equipment ng barko. Maghahatid ng supply sa mga mangingisda sa Scarborough Shoal ang Datu Bankaw nang mangyari ang insidente.

Sa panibagong pangha-harass ng China, magpa-file ng diplomatic protest ang Pilipinas. Hindi na ba nagsasawa ang mga pinuno ng bansa sa pagpa-file na hindi naman pinapansin ng China. Sabi ng Department of National Defense, hindi mapapalampas ang ginawa ng China.

Tama na ang diplomatic protest. Pauwiin ang ambassador ng China sa kanilang bansa. O kung hindi, iboykot ang mga produkto ng China sa Pilipinas. Sa ganitong paraan saktan ang China.

PHILIPPINE AIR FORCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with