^

PSN Opinyon

Tips para mabawasan ang pagdighay

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Maraming nakararanas nang madalas na pagdighay. Ilan sa dahilan nito ay kapag nakalulunok ng sobrang hangin kung mabilis kumain at uminom, nagsasalita habang kumakain, umiinom ng softdrinks gamit ang straw at nakahihop ng hangin kapag ninenerbiyos.

Narito ang mga payo para mabawasan ang pagdighay:

1. Kumain at uminom ng dahan-dahan. Huwag magmadali para maiwasan mabulunan. Limitahan ang pag-inom­ gamit ang straw.

2. Itigil ang pag-inom ng carbonated na inumin gaya ng softdrinks at beer, dahil naglalabas ito ng carbon dioxide.

3. Iwasan ang chewing gum o pagsipsip ng matigas na candy.

4. Huwag manigarilyo.

5. Ang pagbawas sa stress ay maaaring mapigilan ang nerbyos. Para mabawasan ang habit ng paglunok ng hangin.

6. I-check ang sukat ng pustiso. Kung hindi tama ang sukat maaaring maging dahilan para makalunok ng hangin habang kumakain.

7. Iwasang humiga pagkatapos kumain. Maglakad-lakad muna para bumaba ang kinain at maiwasan ang heartburn.

DIGHAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with