^

PSN Opinyon

Huwag bastusin ang pangalan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Ang dapat itawag sa Wellspring Ad Agency ay “Ill-Spring.” Bastos kasi.

Nagulat ang maraming  motorista sa Makati nang ang pangalan ng Gil Puyat Avenue ay naging “Gil Tulog.” Bad taste na pakulo pala ito ng nasabing ad agency para ipromote ang isang food supplement para sa mga hindi dalawin ng antok. Nakakuha ng permiso ang agency sa city government pero ayon sa galit na galit na si Mayor Abby Binay, hindi dumaan sa kanyang office ang request. Nag-apologize na rin si Binay sa pangyayari.

Mayor Abby, dapat sibakin ang mga kawaning iyan dahil walang sentido kumon! Huwag lang kagalitan. Si yumaong Senate President Gil Puyat ay marangal at mahusay na senador kaya ipinangalan ang daan sa kanya. Ang pagpapalit sa pangalan ng lansangan ay tahasang pag-alipusta sa alaala niya. Magandang apelyido ang “puyat” na nagpapahiwatig ng sipag. Halos wala nang tulog sa pag-iisip ng mabuting batas para sa bansa.

Kapag ginawa mong “tulog”, kabaliktaran iyan. Naaalala ko ang ilang mambabatas na nakanganga pa habang tinutulugan ang sesyon. Nakakadiyahe kapag inilabas sa diyaryo at televison ang mga kuha nila!

Isa pa, panlito iyan sa mga motorista na ang iba ay maaaring maligaw dahil hindi mahanap ang Gil Puyat Avenue. Marahil dapat bumuo ng batas na nagbabawal sa ganyang klaseng pagpapalit sa pangalan ng kalsada.

vuukle comment

MAKATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with