^

PSN Opinyon

Pagtakas ni Guo na-videohan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAKUNAN ng video ng isang netizen ang pagsakay ng kontrobersyal na Bamban Mayor Alice Guo sa isang private helicopter sa Castillejos, Zambales. Malamang nasa China­ na ang impostorang nagpanggap na Pilipina at naging mayor pa.

Kunsabagay, uso na ngayon ang mga “deep fake” video na puwedeng palitawin na ang isang taong ibig ipahamak ay may ginagawang kabalbalan. Gayunman, peke man o hindi, dapat itong padaanin sa mapanuring mata ng mga eksperto upang alamin ang autenthicity. 

Kung totoo ang balitang ito (dahil wala pa namang opisyal kumpirmasyon) bigo na naman ang pamahalaan upang malaman ang mga personalidad na kabilang sa sindikato ng POGO. Mabuti na lang at sa kanyang SONA, tahasan nang inatasan ni President Marcos Jr. ang PAGCOR na agarang ipatigil ang operasyon ng lahat ng POGO. Iyan ang bahagi ng kanyang talumpati na umani ng standing ovation at umuugong na palakpakan at hiyawan sa loob ng session hall ng Batasan.

Mahalagang personalidad si Alice Guo (Guo Hua Ping) sa tuluyang pagkilala sa mga involved sa POGO pati na ang mga Pilipinong opisyal na kasabwat nila. Pero kung wala na siya, pasalamat na rin tayo at kanselado na ang POGO operation. Ngayon, malaya na ang mga awtoridad na ang bawat POGO ay siyasatin.

Ang nakagugulat, may lalaking nag-send off kay Guo na nakasuot ng t-shirt na may nakatatak na pangalan ng isang opisyal ng Zambales. Marahil, maaaring gamitin ang taong ito upang makagawa ng mas malalim ng imbestigasyon sa issue. Sana naman, naririto pa sa bansa si Guo para maging mabilis ang pag-imbestiga ng pamahalaan sa usapin ito.

Baka ngayon kaharap na ni Guo si Xi Jinping na kuma­kastigo sa kanya sa kabiguang magampanan ang kan­yang misyon bilang espiya.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with