^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Hustisya, nakamit din ni Jee Ick-Joo

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Hustisya, nakamit din ni Jee Ick-Joo

OKTUBRE 18, 2016 nang kidnapin ang South Korean businessman na si Jee Ick-Joo sa bahay nito sa Angeles City, Pampanga at nagdemand ng P8 milyon ransom sa maybahay nito ang kidnappers.

Nagbigay ng P5 milyon ang maybahay pero sa halip na palayain, dinala si Jee sa Camp Crame at pinatay sa loob mismo ng police headquarters. Karumal-dumal ang pagpatay sa kanya sa pamamagitan ng pagbigti. Dinala ang bangkay sa isang punerarya sa Caloocan City na pag-aari ng isang dating pulis at iniutos i-cremate. Pagkatapos i-cremate, itinapon ang abo ni Jee sa inidoro.

Ang mga sangkot sa krimen ay si dating police Lt. Col. Rafael Dumlao, SPO3 Ricky Sta. Isabel, SPO4 Roy Villegas, dating NBI aide at errand boy Jerry Omlang at ang may-ari ng punerarya na si Gerardo Santiago. Si Villegas ay tumayong witness at itinuro si Dumlao na utak ng krimen. Napatunayan ng Pampanga Regional Trial Court na guilty sa pagpatay at kidnapping sina Sta. Isabel at Omlang samantalang napawalang-sala si Dumlao.

Maraming nadismaya sa pagkakawalangsala ni Dumlao at maski si dating President Duterte ay sinabing ito ang “utak” sa pagpatay kay Jee Ick-Joo. Nangako si Duterte sa biyuda ni Jee Ick-Joo na mananagot si Dumlao. Nagtago si Dumlao pero nahuli rin makaraang mag-offer ng reward si Duterte sa ikahuhuli nito, patay man o buhay.

Walong taon makaraan ang karumal-dumal na krimen, nakamit din ni Jee Ick-Joo ang hustisya makaraang baliktarin ng Court of Appeals ang naunang desisyon ng Pampanga RTC na pinawawalang sala si Dumlao. Ayon sa CA, ang pagpapawalang sala kay Dumlao ay “mockery of the judicial process”. Hinatulan ng CA si Dumlao ng habambuhay na pagkabilanggo at pinagbabayad ng P225,000 bilang bayad pinsala sa kasong kidnapping at homicide at isa pang life term dahil naman sa kidnapping ng house helper ni Jee.

Nakamit na ni Jee ang hustisya at maaaring nakahinga nang maluwag ang kanyang biyuda. Marami namang katulad na kaso ng pang-aabuso ng mga pulis na sinangkalan ang war on drugs ang hanggang ngayon ay hindi pa nalulutas. Pero katulad nang nangyari kay Jee, ang lahat ng kasamaan ay mayroon ding wakas. Kung marami man ang hanggang ngayon ay uhaw sa hustisya, darating din ang araw na makakamit ang hustisya. Hindi naman natutulog ang batas.

Sana makakamit ng hustisya ang lahat ng mga biktima ng war on drugs kahit mabagal ang usad ng hustisya.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with