^

Pang Movies

Dennis, pinutakan!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Panay ang putak ng iba na maka-Kapamilya dahil sa comment na lumabas sa social media account ni Dennis Trillo na nagtatanong kung “may ABS pa ba?” Siyempre puro sagot nila na natural mayroon dahil sila ay naroroon pa.

Ngayon sinabi naman ng managers ni Dennis na hindi ang actor ang gumawa ng ganoong remark dahil ang kanyang account ay na-hack noong mga panahong iyon. Pero sabi nga namin na-hack man o hindi, si Dennis man ang gumawa ng ganoong comment o hindi, iyon ay isang valid question. Nagtatanong lang naman siya kung may “ABS pa ba” at tila reaksiyon iyon sa tanong na kung lilipat nga ba ang kanyang misis na si Jennylyn Mecado sa ABS-CBN.

Mayroong ABS-CBN pero sila ay hindi na isang network, sila ay content producer na lang kagaya ng Tape Inc., o ng APT, o ng iba pang production companies.

Xian, naghingalo 

Pinutakte ng masasamang reviews ang pelikulang idinirehe ni Xian Lim. Iyon daw ay isang horror picture na hindi naman katatakutan. Sinasabi pa nilang nabigo raw ang pelikula na ipakita ang naiibang kultura at kaugalian ng mga Pinoy at mga Thai.

Sayang nga raw at nag-shooting pa iyon sa Thailand.

Ang pelikula na dinirek ni Xian Lim ay mula sa panulat din niya at ng kanyang syotang si Iris Lee. Pero may naniniwala namang medyo ok ang pelikula kaya nga lang daw biktima pa rin si Xian ng masamang publisidad dahil sa sinasabi noong iniwan niya si Kim Chiu na syota niya ng 12 taon, nang makilala nga ang producer na si Iris Lee.

Pero hindi raw ganoon ang nangyari sabi pa ng isang kaibigan ni Xian na nagkuwento sa social media. Si Xian daw ang iniwan ni Kim matapos ang 12 taon.

Pero wala na tayong pakialam kung sino nga ang nang-iwan kanino man. Basta ang usapan ngayon, ang pelikulang dinirehe ni Xian ay naghingalo nga sa takilya.

Nawa’y ipalabas naman ‘yun sa streaming paltforms upang sila ay makabawi-bawi.

Isko, tiyak na ulit ang pagtakbo?!

Wala raw muna sa isipan ni Isko Moreno ang pulitika para sa eleksiyon sa susunod na taon.

Sayang dahil kung sinunod niya ang unang nasa isip na kukumpletuhin muna niya ang panunungkulan bilang mayor ng Maynila sa loob ng siyam na taon, at saka siya tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2028, mas ayos iyon. Eh kaso pagkatapos lamang ng isang term bilang mayor tumakbo na agad siyang presidente ng Pilipinas eh. Masyado siyang nagmadali.

Tiyak na tatakbo pa rin iyan pagdating ng araw pero huwag masyadong mataas ang ambisyon. Wala pa naman siyang political backup na nationwide. Eh hindi ba nauna riyan ay tumakbo na rin siyang senador at natalo na siya. Kailangan muna niyang patunayan ang kanyang kakayahan bilang isang national government official bago tumakbo.

EDDYS, mahigpit ang resulta

Ngayong gabi na ang pinaka-aabangang ikapitong Eddys na gaganapin sa Grand Ballroom ng Marriott Hotel. Iyan ang pinaka-prestihiyosong award ngayon sa entertainment na ipinagkakaloob ng mga lehitimong editors ng mga diyaryo magazine at internet portals.

Iyan ay isang award na wala pang record ng dayaan, lagayan o anumang anomalya. Papaanong mangyayari iyon eh iyang editors na iyan nga ang bumibira sa mga anomalya sa awards, tapos ay gagawa rin ba sila ng ganoon na magiging kasiraan nila at maging ng mga lehitimong media na kanilang pinaglilingkuran?

At meron silang official auditor na talagang sumusuri at nag-iingat sa kanilang mga boto.

Delayed ang telecast ng awards sa AllTV, pero sigurado masusubaybayan ninyo iyan sa iba’t ibang social media platforms.

vuukle comment

DENNIS TRILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with