^

PSN Opinyon

‘Finger attack’ lang

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Para kay Executive Secretary Lucas Bersamin, hindi pa matatawag na armed attack ang pinakahuling pananalakay ng Coast Guard ng China sa tropa ng Pilipinas na mag­ha­hatid ng supply sa mga sundalong nakatalaga sa BRP Sierra Madre. Ito’y sa kabila ng pangungulimbat ng mga Tsino ng mga kaga­mitan ng ating mga tauhan sa marahas na paraan na naging dahilan ng pagkaputol ng daliri ng isa sa kagawad ng ating tropa.

Dahil dito, wala pang balak ang pamahalaan na ireklamo ang insidente ng harassment na ginawa ng China sa Ayu­ngin Shoal. Ah, tiwala pa rin ang gobyerno na mahi­hilot pa ang sitwasyon sa diplomatikong paraan. Ani Exe­cutive Secre­tary Lucas Bersamin, handa ang bansa na makipag-usap sa China para maresolba ang alitan.

Ang Pilipinas ay handa—pero iyan din ba ang takbo ng utak ng China na mayroon nang mindset na guluhin ang sitwasyon sa West Philippine Sea? Tama ang obserbasyon ng isang mataas na opisyal ng militar: iniinis tayo ng China para tayo ang unang magpaputok. Hindi natin dapat gawin iyan dahil talo tayo.

Kasi wala silang dahilan para gumanti ng putok kung hindi natin sisimulan ang gulo. Ang pinakamainam na gawin ay idulog na ito sa international tribunal na hindi naman aaksyon kung walang magrereklamo.

Katulad din ng isang biktima ng krimen na hindi mapa­parusahan ang nang-agrabyado kung hindi siya magsa­sampa ng reklamo at demanda. Wala nang puwang ang diplomasya sa China at mas mabuti kung puputulin na ang relasyong diplo­matiko natin sa China.

Hindi pa ba klaro na biktima tayo ng isang krimen sa gina­gawa ng China? Ginugutom ang ating mga mangingisda na pinipigil maghanapbuhay sa sarili nating teritoryo at wina­walan tayo ng karapatang magamit ang ating exclusive economic zone. Kailangan na nating gawin ang dapat gawin.

SIERRA MADRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with