^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Suportahan mga bayani sa West Philippine Sea

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Suportahan mga bayani  sa West Philippine Sea

ISANG sundalong Pilipino ang naputulan ng hinla­laki makaraang banggain ng China Coast Guard ang sinasakyang rubber boat habang naghahatid ng supply sa BRP Sierra Madre noong Miyerkules. Armado ng itak, maso at tear gas ang mga miyembro ng CCG. Binutas nito ang rubber boat ng mga sundalong Pinoy. Ninakaw ang bag, mga baril at iba pang mga gamit. Nakipagbuno ang mga sundalong Pinoy habang pilit na sinisira ng CCG ang mga kagamitan. Maraming nabasag na equipment sa sasakyan ng mga Pilipino. Subalit hindi nagpatinag ang mga sundalog Pinoy at manu-manong lumaban sa mga miyembro ng CCG.

Ang panibagong pangha-harass ng China ay napa­nood nang marami sa buong mundo. Ibinalita ng Cable News Network (CNN) at nakita kung paano ginitgit ng barko ng CCG ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG), Hindi makapagsisinungaling ang mga kuhang video habang nagmamaniobra ang CCG at intensiyong banggain ang PCG.

Pero sa kabila na may Pilipinong naputulan ng hin­lalaki, hindi pa rin daw maituturing na “armed attack” ang ginawa ng China. Sabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin at chairman ng National Maritime Council, hindi raw armed attack ang ginawa ng CCG sa mga Pili­pinong sundalo. Ayon kay Bersamin, maaring hindi lamang nagkaintindihan o aksidente ang nangyari sa magkabilang panig.

Hindi naman maitago na nagpupuyos ang kalooban ni Armed For­ces of the Philippines (AFP) chief of Staff Gene­ral Romeo Brawner Jr., sa nangyari lalo pa’t isang sundalo ang naputulan ng hinlalaki. Ayon sa report, nakahawak ang sundalo sa gilid ng barko nang banggain ito ng CCG at naipit. Binigyang para­ngal ni Brawner ang sundalong naputulan ng hinlalaki. Sinabi ng AFP chief na pagbabayarin nila ang CCG sa ginawang pagnanakaw sa mga baril at pagsira sa kagamitan ng  mga sundalong Pilipino habang kinu­kuyog ang mga ito. Ayon kay Brawner, pitong Carbine AR19 ang ninakaw ng CCG at sinira rin ng mga ito ang equipment at makina ng rubber boat. Tinawag ni Brawner na mga pirata ang CCG. Magpapatuloy pa rin umano ang resupply mission sa kabila ng mga panggigipit ng China.

Dapat suportahan ang mga sundalong nagbabantay sa West Philippine Sea. Sila ang mga tunay na bayani. Ang pagkilala sa kanila ay magpapalakas ng kanilang loob para lalo pang lumaban at ipagtanggol ang teritoryo. Karapat-dapat silang purihin sa ginagawa sa Inang Bayan.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with