^

PSN Opinyon

Raket sa puwestuhan sa PNP, tutuldukan ni General Marbil!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

MAY police officials na inireklamo itong raket ni alyas RR at may iba namang kumakampi sa kanya. Kaya hindi na nagtaka ang mga kosa ko kung magtawagan ang mga Lakan at sasabihing hindi tama ang bintang na si RR ang nasa likod ng raket na ginagatasan ang mga police officials na gustong maupo sa mga juicy positions sa PNP. Sa pana­yam sa mga nakakakilala ng lubos na mga pulis, mapa-heneral man, kay RR, ay mariing sinabi na hindi ito ganun.

“Si RR ay isang propesyunal, maayos at mabait na tao na tumutulong lamang,” anang isang heneral na member ng PNPA Class ‘95. “Boss, good evening! ‘Yung RR tumutulong lang sa nagpapatulong. No money involved,” ayon naman sa isa pang heneral, na miyembro naman ng PNPA Class ’94. Hehehe! Hayan, malinis pala si RR, na chief of staff ng isang tonggresman….este Congressman.

Ang reklamo naman ng kapwa nila Lakan ay itong si RR ang naglalagay ng mga opisyales ng PNP sa juicy positions, tulad ng comptroller, finance, PD at iba pa kapalit ng tara. Kakausapin ka lang ni RR kapag naibigay mo na ang pitsa sa isang trusted n’ya. Ayon kay PNPA Class ’95, may pagkataon na may tinutulungan maka-puwesto si RR subalit minsan semplang din ito. ‘Ika nga, hindi s’ya pina­pansin ng PNP chief o RD kaya’t bokya ang lakad n’ya. Kaya lang, iginigiit ni Class ’95 na walang pitsang involved dito. Eh di wow! Hehehe! Lakan vs Lakan na ito ah.

“Dapat alamin muna mabuti ang totoo at magtanong tanong para hindi naman nakakasira sa mga taong ma­ayos at may dignidad,” ang dagdag pa ni Class ’95! Ara­guyyyyy! Sanamagan! Wala namang away si Dipuga dito kay RR at nagkataon lang na may sumbong laban sa kanya. Kaya ang bottom line dito, ‘wag na s’ya makialam sa PNP, kasama na ang kanyang amo. Get’s n’yo mga kosa? Ano pa nga ba!

Kung may lumantad para idepensa si RR, etong si alyas Libi o LL naman ay tahimik lang. Dipugaaaaa! Dapat mahinto na itong mga raket sa PNP. Hindi kasi maganda na sa pag-upo ng mga police officials sa puwesto nila ay may malaking obligasyon na sila. ANong set n’yo mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Sa parte naman ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, gusto n’yang tuldukan ang ganitong mga raket para ang mga mauupong police officials ay ‘yaong may magandang service records. Mismooooo! Kaya inutusan ni Marbil si CIDG director Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco na kilalanin itong sina RR at Libi o LL at kung may ebidensiya ay kasuhan ang mga ito. Tsk tsk tsk!

Paano titibagin ni Marbil itong mga amo nina RR at Libi o LL? Baka s’ya pa ang dadamputin sa kangkungan? Dipugaaaaa! Kawawa naman ang PNP at sobrang daming nakikialam na pulitiko at government officials. Kelan kaya matatapos ang sistemang ito? Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!

Sinabi ng mga kosa ko, si Libi o LL ay marami nang nabiktimang RD. Baka scammer lang itong si Libi o LL ah. Puwede, di ba mga kosa? May hangganan din itong raket na ang binibiktima ang mga senior PNP officials. Sal-it! Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with