^

PSN Opinyon

Hudyat

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

HUDYAT na raw na “lines are drawn” sa pagitan ng admi­nistrasyon at kampo ng mga Duterte ang biglang pagbibitiw ni Vice President Sara sa Gabinete.

Noong Miyerkules, nagbitiw si Sara bilang Department of Education Secretary at vice chair ng  National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Sa mga nakalipas na araw, mahahalata ang mga pahiwatig ni Sara na kailangan maging maganda pa rin.

Kailangang nakapagsusuot pa rin ng “two-piece” kahit na api-apihin pa. 

Tahasan ding sinabi ni Sara na nabuwag na ang Unity Team na binuo noong  2022.

Yun daw ay para lang sa halalan at wala na nga ang sinasabing pagkakaisa ni Sara at Bongbong.

Heto na ngayon ang tanong.

Ano na at saan na patungo ang pulitika sa bayang mina­mahal natin?

Sabi nga na hudyat na raw na simula na ng lantarang bangayan sa pagitan ng dalawang dating magkakampi.

Ngayon ay magkatunggali na sila.

Abangan na lang natin ang susunod na kabanata.

At kung ano ang mangyayari sa sinasabing “two-piece” ni Sara. 

vuukle comment

EDUCATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with