^

PSN Opinyon

Buhay Anak-OFW puno ng lungkot at pangungulila

PINOY OVERSEAS - Ramon M. Bernardo - Pilipino Star Ngayon

Gaano ba kahirap ang maging anak ng isang overseas Filipino worker? Para kay Jhared Magtabog, anak ng isang domestic worker sa Japan, puno ito ng lungkot at pangungulila lalo na dahil minsan lang sa isang taon nakakauwi sa Pilipinas ang kanyang ina.

Pero sa tulong ng kanyang matatag na pananaw at ng BDO Unibank, nababawasan ang kanyang lungkot at napapalitan ng saya at pagpapahalaga.

Kamakailan ay napili ng BDO at SM ang pamilya Magtabog sa pangunguna nina Jhared at kanyang tiyahin na si Dolores Castaneda bilang recipient ng surprise free shopping spree sa formal launch ng Kabayan Tuesday sa SM City Caloocan kamakailan.

"Napakabait po at napaka-generous. Grabe po dahil pinaranas nila ang ganito sa amin. Napakalaking tulong din po kasi talagang malungkot kami sa bahay, at dahil sa free shopping spree, nakalimutan ko ang lungkot sa buhay. Nagulat po kami doon, bigla na lang kaming pinaakyat ni Piolo Pascual," ani Jhared. "Grabe po yung experience, napakasaya po. Sobrang grateful po kami."

Ang Kabayan Tuesday ay programa ng BDO bilang pasasalamat sa mga overseas Filipinos sa kanilang patuloy na tiwala sa bangko. Sa ilalim nito, tuwing unang Martes ng kada-buwan, makakukuha ng hanggang 10% discount ang mga holder ng Kabayan Savings ATM card, passbook, o BDO remittance payment slip sa mga SM stores.

Bago matapos ang programa, nagpakita ang actor na si si Piolo Pascual hindi lamang para batiin ang mga manonood at mag-perform ng kanyang mga signature songs kung hindi para sorpresahin din ang pamilya ng Japan-based na OF na si Maritess Magtabog: ang kanyang anak na si Jhared, at kapatid na si Dolores Castaneda.

Matapos kantahan, inimbitahan sila ni Piolo ng isang shopping spree sa SM Store at iba pang partner stores na kasama sa Kabayan Tuesday. Ang shopping spree ay nagsisilbing pasasalamat ng BDO sa kanila bilang loyal na Kabayan Savings account holders.

Matapos ang 22 taon ng pagtatrabaho sa Japan, nakabili sina Marites ng kanilang sariling bahay sa Caloocan sa tulong ng BDO.

“Nag-enjoy akong kilalanin ang Magtabog family. Bilang nagtrabaho rin ako abroad, alam ko ang sakripisyong ginagawa ni Marites, kaya isang karangalan na makilala ko sila. Sana marami pang kabayan natin ang makapag-avail ng offer na ito mula sa BDO at SM, at lagi rin nilang maalala na kasama nila ang BDO at SM,” sabi ni Piolo.

Sa pamamagitan ng Kabayan Tuesday, hindi lang nakakabili ang mga overseas Filipino families ng kanilang mga pang araw-araw na pangangailangan tulad ng gamot at kagamitan sa bahay, nakakatipid pa sila dahil sa diskwentong nabibigay nito.

Nagsimula ang Kabayan Tuesday noong January 2 at pormal na inilunsad sa pamamagitan ng Kabayan Tuesday Mall Show noong June 4 sa kabubukas pa lang na SM City Caloocan na pinangunahan ni BDO Remit brand ambassador Piolo Pascual. Tampok din dito ang free shopping spree para sa napiling Kabayan Savings account holder.

Bago matapos ang programa, ginulat ni Piolo ang pamilya Magtabog nang tawagin niya sa stage sina Jhared at Dolores. Nasa Japan pa ang nanay ni Jhared na si Marites noong panahon na yun kaya hindi ito nakasama.

Nagbigay din ng payo si Jhared sa kapwa niya anak ng overseas Filipino na maging matatag at laging alalahanin ang mga sakripisyo ng mga magulang nila sa ibang bansa. "Stay strong kasi magiging magkasama din naman kayong lahat. There's no time to be sad. Ang tanging magagawa mo lang para mapasaya mo rin ang magulang mo is to be grateful to them. Mama, Papa salamat tinutulungan nyo kami. Lahat binibigay nyo kahit hirap na hirap na kayo. There's no time to get mad at them kasi they're doing their best. Kung nagagalit man sila sayo, kung pinagbabawalan ka, it's because they care."

* * * * * * * * * * *

Email – [email protected]

 

vuukle comment

OFW

WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with