^

PSN Opinyon

Umpisa na ng batuhan ng putik

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Nagbitiw si Vice President Sara Duterte bilang secretary ng Department of Education (DepEd). Sa pagkaalam ko, nag-ugat ang pagbibitiw ni Sara nang pagpistahan ng mga senador sa Senate hearing ang Intelligence Fund nito.

Naging tampulan na siya ng intriga mula noon. Pagkatapos ay ang pag-iisnaban nila ni First Lady Lisa Marcos na ang pinagmulan ay nang tawagin  ni dating President Duterte si President Marcos Jr. na adik.

Naintriga rin si Sara sa mga isyu kaugnay sa West Philippine Sea kung saan ang kanyang amang si Digong ay may sekretong agreement kay Chinese leader Xi Jinping. Madalas ding batikusin ng kapatid ni Sara na si Baste si Marcos Jr. at sinabihan pang magbitiw.

Kaya ang dating matamis na pagsasama nina Marcos at Duterte sa Uniteam ay lumabnaw at nagkahiwalay na nga sa pagbibitiw ni Sara sa DepEd. Umpisa na ng bangayan at batuhan ng putik. At tiyak na titindi pa dahil sa susunod na taon ay election na.

Maski sa mga local executives ay nagsisimula na rin ang bangayan. Tulad sa Capiz na nagsisipormahan na ang tradisyunal na politician. Dito kahit ang mga uugud-ugod na pulitiko ay nagbabasakali pa ring makakumbinsi ng mga botante.

Ang mga nakapuwesto ngayon ay nagpapaulan ng datung sa mga proyekto upang mabulag ang samba­yanan. Ang mga kalsada dito ay pinagtitibag kahit maari pang daanan samantalang ang proyekto sa widening sa provincial highways ay nakatengga at hindi malaman kung kailan ipagpapatuloy.

Saan napunta ang pondo sa widening project? Naubos na kaya panay na naman ang bungkal ng mga kalsada para makalikom muli ng budget na pinagkukunan nila ng 30 percent na kickback.

Malaking pera ito para maipambili ng mga botante. Galing ito sa buwis ng taumbayan pero nilulustay lamang ng mga pulitiko na ayaw nang umalis sa kapangyarihan.

vuukle comment

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with