^

PSN Opinyon

May nag-hudas sa PAOCC raid

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NANG salakayin ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Porac, Pampanga, maraming natag­puang gadgets na nagpapatunay na ginagawang pugad ito ng scamming, prostitutions, pag-torture at iba’t ibang krimen. Ipinahayag ng PAOCC na may koneksyon ang operasyon nito sa Bamban, Tarlac.

Ayon sa tagapagsalita ng PAOCC na si Dr. Winston John Casio, magigimbal ang sambayanan kapag nabunyag ang mga protektor ng POGO hub sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga. Ayon pa sa PAOCC, may nag-leak sa ope­rasyon nila.

Nadismaya rin umano sila nang bawiin ng Bulacan RTC ang search warrants na una nang nai-isyu kaya napilitan silang muling kumuha ng search warrant sa Pampanga court. Dahil sa pagka-delay ng search warrants, may nag­hudas sa operasyon na naging resulta ng pagtakas ng mga empleyado ng POGO sa Porac.

Sa kasalukuyan, 12 gusali na ang napapasok ng PAOCC. Na-rescue nila ang isang Chinese national na nakakulong sa ika-4 na palapag ng POGO.

Hinihiling ng PAOCC na madagdagan sila ng mga tauhan upang mapabilis ang kanilang pagsisiyasat sa mga natitira pang POGO Hub. Dapat kumilos si Justice Secre­tary Crispin Remulla para masalakay lahat ang POGO hub sa bansa.

vuukle comment

PAOCC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with