^

PSN Opinyon

Offense is the best defense

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Sa kabila ng pang-aabusong ginagawa ng China sa atin, sinabi ni Presidente Bongbong Marcos na hindi tayo papasok sa isang digmaan laban sa bansang ito. Aniya, puro lamang pagdepensa ang gagawin natin.

Tama naman porke gustuhin man nating lumaban, hindi natin kaya dahil bukod sa liit ng sukat ng Pilipinas, wala tayong firepower na maitatapat sa kakayahang militar ng China na napakalaking bansa na mahigit sa isang bilyon ang population.

Kaya ilag lang ng ilag tayo habang hinahaplit tayo ng sari-saring pag-atake ng Tsina na parang isang batang paslit na grade one na binu-bully ng high school student.

Wala tayong ibang magagawa kundi magsumbong sa ating­ mga big brothers gaya ng Amerika. Tinutuligsa si Marcos­ sa ginagawa niyang ito pero iyan ang wasto at angkop na hakbang na dapat nating gawin. Kaya nga tayo may Mutual Defense Treaty sa America.

Tama ang sinabi ni Marcos na ang problema sa West Philippine Sea ay hindi lang sa pagitan natin at ng China kundi problema rin ng ibang bansang nakikinabang sa karagatang pinagtatalunan dahil ito’y isang international trading route. Kung tutuusin, apektado ang world economy kapag kinamkam mg China ang kabuuan ng China Sea.

In a way, masasabing ang paghingi natin ng tulong sa ibang bansa ay ang tanging opensibang magsagawa ng isang maliit na bansang gaya natin.

vuukle comment

CHINA

WPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with