^

PSN Opinyon

Tanong sa pagkakalbo at pagpapapayat

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Bakit nakakalbo ang tao at paano ito maiiwasan?

Maraming dahilan ang pagkakalbo: (1) namana sa magulang, (2) dulot ng stress, (3) may impeksyon sa buhok at (4) side effect ng chemotherapy. Kapag may lahi ng pagkanipis ng buhok, puwede mo ito mamana sa iyong magulang. Ang stress ay nakadudulot ng “poknat” kung saan may parte ng anit na walang buhok.

Magpatingin sa isang dermatologist para masuri ang dahilan ng pagkalagas ng buhok. May mga gamot din na pampatubo ng buhok.

Heto pa ang ibang payo: Magbawas sa stress. Kapag nali­ligo, dahan-dahan lang ang pag-shampoo at pagtuyo ng buhok para hindi ito malagas. Huwag din gumamit ng masikip na goma para taliin ang iyong buhok.

Bakit tumataba ang tao? Ano ang masasamang epekto ng mataas na timbang ng katawan?

Tumataba ang tao dahil sa sobrang pagkain o kulang sa ehersisyo. Kapag sobra ka sa timbang, mas madali kang magkaroon ng mga sakit tulad ng diabetes, sakit sa puso, high blood pressure at arthritis.

Hindi po maganda ang pag-inom ng mga slimming pills. Karamihan dito ay may halong pampadumi (laxatives) at ika’y magtatae. Puwede kang maubusan ng sustansiya sa katawan at bumagsak ang potassium sa dugo. May namamatay sa sobrang baba ng potassium.

Mahirap magpapayat pero kaya itong gawin. Magdiyeta at magbawas ng pagkain. Kung dati-rati ay dalawang tasang kanin ang nauubos mo, ngayon ay gawing 1 tasa na lang.

Umiwas sa soft drinks, iced tea at canned juices. Punum­puno ng asukal ang mga ito at mabilis makataba. Tubig lang ang dapat inumin dahil wala itong calories.

Igalaw-galaw ang iyong katawan. Gumamit ng hagdanan. Maglakad imbes na umupo. Maglinis ng bahay.

TIMBANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with