^

PSN Opinyon

North Korea, nagpalipad ng mga lobo na may lamang dumi papuntang South Korea!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

Nagpalipad ang North Korea ng daan-daang mga lobo na may laman na mga dumi at basura patu­ngong South Korea!

Kinumpirma ng South Korean military na nag­palipad sa kanilang bansa nang mahigit 260 balloons ang North Korea. Ito na ang pinakamalaking balloon launch na ginawa ng naturang bansa laban sa South Korea.

Ayon sa Join Chiefs of Staff ng South Korea, rumesponde noong May 28 ng gabi ang kanilang military sa unidentified objects na lumilipad sa kanilang border areas ng Gangwon at Gyeonggi province na sa tingin nila noong oras na iyon ay mga lobo na may dalang North Korean propaganda materials.

Matapos ma-identify ang mga lumilipad na mga bagay, napag-alaman nila na mga lobo ito na may nakatali na mga plastic bag na naglalaman ng mga basura at excrement o dumi ng tao o hayop. Napag-alaman na may timer at explosive ang mga lobo para kapag pumutok ito ay magla-landing ang mga basura at dumi sa South Korea.

Agad rumesponde ang mga South Korean military personnel na eksperto sa pag-handle ng mga biological, chemical, radiolo­gical agents at explosives para kolektahin ang dala ng mga pumutok na lobo.

Ayon sa mga report, nakaabot ang mga lobo hanggang sa capital na Seoul at sa mga provinces na Gyeonggi, ­Chungcheong, Gyeongsang and Jeolla. Nagbabala ang mga awtoridad sa kanilang mga citizens na ireport agad kapag may namataan na may lobong nakaabot sa kanilang lugar.

Ang South Korea at North Korea ay dalawang magkahiwalay na bansa. Noong 1945, matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Korean Peninsula ay nahati sa dalawang bahagi. Ang paghihiwalay na ito ay nagbunga ng tensiyon at mga digmaan ng dalawang bansa.

Sa South Korea, kilala ito bilang isang industriyalisadong bansa na may mataas na antas ng ekonomiya at teknolohiya. May malakas na impluwensiya ang K-Pop, K-Drama, at iba pang aspeto ng kulturang Koreano sa buong mundo. Ang pamahalaan ay isang demokrasya at republika, kung saan may malawak na kalayaan sa pamamahayag at iba pang karapatang pantao.

Samantala, ang North Korea, na kilala rin bilang Democratic People’s Republic of Korea (DPRK), ay isang komunistang bansa na nasa ilalim ng rehimen ng pamilya Kim. Ito ay isang totalitaryanong sistema kung saan ang pamahalaan ay may ganap na kontrol sa lahat ng aspeto ng buhay ng mamamayan. Ang mga mamamayan ay mayroong limitadong kalayaan sa pagpapahayag at pagkilos. Ang bansa ay mayroong malakas na armadong puwersa at kilalang nuclear weapons program.

vuukle comment

NORTH KOREA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with