^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mabigat na parusa sa road rage, nararapat

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mabigat na parusa sa road rage, nararapat

MAY pinatay na naman dahil lamang sa gitgitan ng sasakyan. Mayroon na namang nasayang na buhay dahil sa silakbo ng galit na ibinunga ng gitgitan at hindi pagbibigayan sa kalye.

Noong Martes ng hapon, nagkagitgitan ang mga sasakyan nina Gerard Raymund Yu, isang negosyante at Aniceto Mateo, 65, family driver habang naglalakbay sa Ayala tunnel Makati sa EDSA, soutbound dakong 2:30 ng hapon. Minamaneho ni Yu ang itim na Merce­des-Benz samantalang si Mateo ay isang puting Toyota Innova­ at may dalawang pasahero—isang housemaid at batang lalaki. Galing ng BGC, Taguig ang Innova.

Ayon sa housemaid na kasama ni Mateo, nagkagitgitan ang mga ito habang naglalakbay sa Kalayaan Avenue. Pagdating sa Ayala tunnel, binaril ni Yu ang sasakyan ni Mateo sa hulihang bahagi. Lumusot ang bala at tinamaan si Mateo sa kanang balikat na lumusot sa leeg. Nakita sa CCTV na naghiwalay ang dalawang sasakyan nang papalabas na ng tunnel. Nagtuluy-tuloy pa sa pagtakbo ang Innova hanggang huminto sa gitna ng kalye. Humingi ng tulong ang kasamang maid sa dalawang motorcycle rider at saka nalaman na may tama ng bala si Mateo. Isinugod ito sa ospital pero namatay din.

Kinabukasan, naaresto si Yu sa bahay nito sa Pasig. Narekober sa kanya ang baril na ginamit. May lisensiya pero hindi ito dapat inilalabas ng bahay. Nag-match dito ang basyo ng bala na ginamit. Nagpositibo rin siya sa gunpowder. Nakita rin ang Mercedes-Benz niya na pinalitan ng plaka.

Hindi ito ang unang roadrage na humantong sa pagpatay. Noong Hulyo 2016, binaril at napatay ang isang siklista sa P. Casal St., Quiapo, Maynila dahil din sa gitgitan. Nagkagitgitan ang may-ari ng kotse at siklista na humantong sa suntukan. Natalo sa suntukan ang may kotse at kinuha nito ang baril sa kotse at binaril sa ulo ang siklista. Nakilala ang biktima na si Mark Vincent Geralde. Nakilala naman ang namaril na si Vhon Martin Tanto. Tumakas siya pero naaresto at na-convict. Habambuhay ang hatol sa kanya.

Noong Agosto 8, 2023, isang dismissed policeman na nakilalang si Wilfredo Gonzales ang nakunan ng video na binatukan at kinasahan ng baril ang isang siklistang nakagitgitan niya sa Quezon Avenue, Quezon City.

May inihain ng panukalang batas, ang Anti-Road Rage Act, na nagpaparusa nang mabigat sa masasangkot sa road rage. Nasaan na ang panukalang ito at tila hindi na gumagalaw? Buhayin ito.

Dapat din namang higpitan ng Philippine National Police ang pagbibigay ng gun license sa sibilyan. Idaan sa masusing pag-iimbestiga ang aplikante bago isyuhan ng lisensiya. Mapanganib kapag nasangkot sila sa road rage.

ROAD RAGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with