Pagkain sa utak at memorya
Narito ang mga pagkain na makatutulong upang maging mahusay ang memorya:
1. Matatabang isda, mani at olive oil – Ang pagkain ng matatabang isda gaya ng sardinas, tuna, tamban, mackerel at salmon ay maaaring mapanatili ang ating memorya. Ang omega-3 fatty acids ay matatagpuan sa matatabang isda.
2. Berdeng gulay, broccoli, kangkong, spinach, kamote, strawberry at iba pang pagkain na mayaman sa Vitamin C at E – Ang mga pagkain na naglalaman ng antioxidant ay makatutulong sa paglaban sa free radicals na maaaring sumira sa ating utak. Natuklasan na ang mga pagkaing mayaman sa Vitamin C at Vitamin E ay posibleng mabawasan ang panganib ng Alzheimer’s disease.
3. Pagkaing mataas sa flavonoids tulad ng tea, mansanas, orange, suha, repolyo, bawang, sibuyas, kamatis, peas at beans – Natuklasan sa isang pag-aaral na ang pag-kain ng prutas at gulay ay makababawas sa pagkasira ng utak at pagka-ulyanin.
4. Curry powder at turmeric – Isang pangunahing sangkap ng curry powder ay turmeric na naglalaman ng curcumin. Sa pag-aaral, natuklasan na ang curcumin ay isang mabisang anti-oxidant at anti-inflammatory. May pag-aaral na nagsasabi na posibleng mas gumana ang utak kapag madalas kumain nito.
* * *
Mga pagkain na mayaman sa calcium para tumibay ang buto
Ang calcium ay kadalasan nating naririnig sa mga produktong may kinalaman sa pagpapatibay ng ating mga buto. Nakakatulong ito sa mga bata at matatanda upang mapatibay ang buto at maiwasan ang pagkabali o pagrupok nito. Ngunit hindi lang ito ang maaring idulot ng calcium sa ating katawan. Silipin pa natin ang ibang benepisyo nito at mga halimabawa ng pagkain kung saan ito matatagpuan.
1. Nakakatulong ito upang maiwasan ang pagtaba.
2. Nakakatulong ito sa mga muscles ng ating puso.
3. Nakakatulong ito upang maiwasan ang colon cancer.
4. Nakakatulong ito upang maging maganda ang ating mga balat.
Ang mga pagkain na mayaman sa calcium ay gatas, keso, sardina, orange, soymilk at yogurt.
* * *
Kumain ng monggo
Maraming benepisyo ang monggo sa puso, utak at katawan natin. Hindi tunay ang kasabihan na bawal ito sa arthritis. Puwede po ito kainin dahil masustansyang gulay ito.
1. Masustansya ang monggo sa lumalaking bata at sa matatanda din dahil sa kumpleto sa bitamina at mineral.
2. Bagay sa may diabetes at maganda sa puso dahil walang cholesterol at ang fiber sa monggo ay laban sa bad cholesterol.
3. Ang high fiber nito ay may cholecystokinin, para mabilis mabusog, mas konti ang makakain, kaya mas makakapagbawas ng timbang. Bagay din sa nagtitibi at may IBS o Irritable Bowel Syndrome na maganda sa tiyan at pagtunaw.
4. Puwede kainin ng maysakit sa atay dahil pinagkukunan ng protina, albumin at globulin, isoleucin, leucine, valine.
5. Puwede rin sa may sakit sa kidney kasi ang protina nito ay galing sa gulay at hindi sa karne.
6. Merong folate o folic acid ay dapat kakainin ng nanay na buntis para sa nervous system ng sanggol.
7. Maraming taglay na iron na siyang nagdadala ng oxygen sa buong katawan at sa utak para focus at maganda ang memorya kaya bagay sa matanda, bata na nag-aral at anemic.
- Latest