I conquered Cebu...Suroy Suroy Sugbo, Enchanting 1 Camotes
Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang aking magandang karanasan, unforgetable experience at obserbasyon sa tatlong araw na pagbisita sa beautiful province of Cebu.
Ang Magsasakang Reporter ay isa sa mga delegates at guest ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia para saksihan ang Suroy Suroy Sugbo, Enchanting 1 Camotes festival.
Ang festival ay isinagawa nitong Sabado at Linggo o May 11-12, 2024.
Biyernes ng hapon ay nasa Cebu City na ako at nag-stay ng magdamag sa five star na Marco Polo Hotel sa Cebu City.
Sabado ng alas-7:00 ng umaga sumakay kami ng fast craf na Oceanjet para mag-island hopping patungo ng Camotes Island at ang aming unang destinasyon ay ang bayan ng Pilar.
Tatlong oras ang aming naging biyahe kaya mabubusog ka sa magandang tana-win sa karagatan, tulad ng pagsunod ng iba’t ibang uri ng isda, gaya ng dolphins sa aming Oceanjet na sinasakyan at magandang isla o bulubunduking paligid.
Alas-10 ng umaga nang makarating kami sa Pilar Wharf at ang pagtanggap sa amin ng halos buong community ay mainit pa sa sikat ng araw.
Mala-fiesta ang mood hanggang makarating kami sa Municipal Gym kung saan nagkakaroon ng Cultural Presentation.
Grabe ang inihandang pagkain sa amin, eat all you can, all you can eat na iba’t ibang uri ng lamang dagat, kakaibang lasa ng lechong baka, lechong baboy na hindi mo na kailangan ang sauce, gulay, prutas at iba’t ibang uri ng native foods na roon ko lamang natikman.
Si Sen. Lito Lapid at anak nitong si Mark Lapid ng Tourism Infrastructure and Enterprises Zone Authority (TIEZA) ay kabilang sa guest of honor at dumalo sa Suroy Suroy Sugbo.
Nangako si Sen. La-pid na magbibigay siya ng P1M pondo sa bayan ng Pilar para magamit sa development pa ng nasabing bayan.
Pagsapit ng gabi ay dumating naman sina Leyte 4th District Congressman Richard Gomez at misis nitong si Ormoc City Mayor Lucy Torres Gomez sa Santiago Bay White Beach, kung saan nag-stay hanggang kinabukasan at kasamang nag-ikot sa Bukilat Cave at Bakhawan Farm sa bayan ng Tudela.
Isa sa motto ng nasabing bayan ay “Basta’t Gwapa mula sa Tudela”
Sa bayan ng Poro ang huling yugto ng Suroy Suroy Sugbo kung saan dumalo ang mga delegado ng banal na misa bago tumuloy sa Sea View, nanood ng Cultural Show at kumain ng “Lusog Busog na busog.”
Kabilang sa mga guest at delegate ng Suroy Suroy Sugbo ay mga hukom, iba’t ibang opisyal ng pamahalaan, partikular sa Department of Tourism (DOT), NFA, SOLGEN, PGC, PNP at iba pa.
Very Important Person (VIP) guest din ng Suroy Suroy Sugpo si Dr. Paul Martinez at ang kanyang team sa RP Mission and Development.
Ang Suroy Suroy Sugpo ay proyekto ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia na sinimulan noong 2004 na ang layunin ay pasiglahin ang larangan ng turismo sa magandang lugar na Camotes Island.
“When Suroy-Suroy Sugbo was conceptualized in 2004, we started to explore the richness of the unknown -- the little known towns and their little known histories, the unphotographed people and their unpublished stories, the festival and the songs that had always been celebrated and sung, but through all these years had never been seen or heard,” mensahe ni Gov. Garcia
Dahil sa matagumpay na pagdaraos ng Suroy Suroy Sugbo Enchanting 1 Camotes 2024 ay natuwa sa Gov.Garcia sa apat na alkalde na nakakasakop sa lugar na kinabibilagan nina Pilar Mayor Atty. Manuel Santiago, San Francisco Mayor Alfredo Arquillano Jr., Tudela Mayor Greman Solante at Poro Mayor Edgar Rama.
Bunsod ng very succesful events, inanunsiyo ni Gov. Garcia na magbibigay siya ng tig-3 milyon sa apat na alkalde para magamit sa proyekto at mapaganda pa ang kani-kanilang bayan.
Kakaiba at mainit ang pagmamahal ni Gov. Garcia sa kanyang mga nasasakupan kaya mahal na mahal siya ng mga Cebuanos.
Si Gov. Garcia ay siyang number 1 na gobernador sa buong bansa dahil sa kanyang excellent na performance at leadership.
Bilang isa sa mga guest ng Suroy Suroy Sugbo 2024 ay binibigyan ko ng perfect na grado o 100 ang organizer ng nasabing festival.
Sa aking unang pagpunta sa Cebu ay nabihag nila ang puso ko dahil totoo ang pagmamahal nila sa kanilang mga bisita.
Mabuhay Cebu, Mabuhay Gov. Gwendolyn Garcia. GOD BLESS US ALL.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197.
- Latest