^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Sirain na agad ang  masasamsam na shabu

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Sirain na agad ang  masasamsam na shabu

DALAWANG toneladang shabu ang nasamsam ng pulisya sa isang checkpoint sa Alitagtag, Batangas noong Lunes. Nagkakahalaga ang shabu ng P14 bilyon. Ito ayon sa mga awtoridad ang pinakamara­ming shabu na nasamsam sa kasaysayan ng bansa. Kung hindi ito nasabat at nadala sa Maynila at iba pang lugar sa bansa, maraming buhay ang masasa­yang. Maraming kabataan ang masisiraan ng ulo dahil sa pagkagumon sa shabu.

Nararapat lamang na bigyang parangal at itaas ng ranggo ang hepe ng Alitagtag Municipal Police Station (MPS) na nanguna para masabat ang dalawang toneladang shabu. Kahanga-hanga ang ginawa ni Captain Luis de Luna Jr. On the spot siyang itinaas ng ranggo na sinaksihan nina PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil at DILG Sec. Benjamin Abalos Jr.

Naharang sa checkpoint ang isang van na may plakang CBM 5060 na minamaneho ni Ajalon Michael Zarate, 47, residente ng Project 4, Quezon City. Nang hingin na ang lisensiya ni Zarate, wala itong maipakita. Nang inspeksiyunin ang karga ng van, nakita ang mga plastic bags na natatakpan ng mga sako. Nang buksan ang plastic bags, doon nadiskubreng shabu.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP sa nakumpiskang shabu. Nararapat malaman kung saan at kanino nanggaling ang shabu. Pigain ang drayber ng van para ikanta ang pinanggalingan ng shabu. Kung hindi malalaman ang pinanggalingan ng shabu, balewala ang pagsisikap sa pagkakasamsam ng droga. Hindi dapat mawalan ng saysay ang lahat.

Noong Oktubre 7, 2022, 1 toneladang shabu na nagkakahalaga ng P6.7 bilyon ang nakumpiska sa isang pulis na miyembro ng PNP-Drug Enforcement Group (PDEG) sa Tondo, Maynila. Nakilala ang pulis na si MSgt. Rodolfo Mayo. Maraming opisyal ng PNP-PDEG ang nasibak dahil sa cover-up ng nakumpiskang shabu.

Nagkasunud-sunod pa ang pagkakumpiska ng shabu na nagkakahalaga ng bilyong piso. Pero ang nakapagtataka, makaraang ipresenta sa media, hindi na nalaman ang kinahinatnan ng mga nakumpiska. Nasaan na ang mga ito? Saan dinala? Na-recycle na?

Ang nararapat gawin ng mga awtoridad, sirain o sunugin na ang mga nakukumpiskang shabu para maiwasang nakawin at i-recycle ng mga corrupt na pulis. Ito ang tamang paraan para hindi na maibalik sa kalye ang nakumpiskang shabu.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with