^

PSN Opinyon

Matinding init

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Ipinagdarasal ko ang kaligtasan ng mga taga-Taiwan, matapos tumama roon ang 7.4 magnitude na lindol noong Miyerkules. Ito ang pinakamalakas na lindol na tumama sa bansa sa loob ng 25 taon. Sa ngayon, siyam ang kumpir­ma­dong patay at 50 ang nawawala. Walang Pilipinong na­matay. Maraming gusali at imprastraktura ang nawasak. Naglabas ng tsunami warning ang Pilipinas at Japan, pero sa awa ng Diyos, walang nalikhang tsunami ang lindol.

Dito naman sa Pilipinas, ang palaging napag-uusapan ay ang matinding init dahil sa El Niño. Abril pa lang, napa­kainit na. Kabalintunaan nga na may mga paaralang nag­deklara ng walang pasok dahil sa init. Akala ko malakas na ulan at hangin lang ang puwedeng dahilan ng kawalan ng pasok. Pero tama naman iyan, at kawawa naman ang mga mag-aaral sa mga silid na hindi naman naka-aircon.

Babala nga ng DOH, huwag hintayin ang matinding uhaw bago uminom ng tubig lalo na ang mga bata at matatanda. Importante ang hydration sa katawan. Lalo na sa mga lugar kung saan ang heat index ay maaaring umabot sa 42 at 43 degrees Celsius. Ang init niyan! Naiisip ko lang ang mga naka-dialysis. Hindi sila basta-basta puwedeng uminom ng tubig dahil hindi na ito nailalabas ng kusa ng katawan. Kailangang makina na ang magtanggal. Kaya nag-iingat sila sa pag-inom.

Ang tingin naman ng PAGASA ay pahina na ang epekto ng El Niño, pero baka hindi pa papasok kaagad ang La Niña. Mas malamig na panahon at pag-uulan ang dulot ng La Niña. Sana mapaaga.

Kasama na sa tinding init ng panahon ang pagtaas ng babayarin sa kuryente. Mga napipilitang magbukas ng aircon nang wala sa oras. Hindi naman lahat ng oras ay pu­wedeng manatili lamang sa mall. May mga mall na mahina rin ang aircon dahil nagtitipid. Mga bakasyunan kung saan may dalampasigan ang malakas ang negosyo ngayon. Puno ang mga resorts. Ano nga naman ang masarap gawin kapag mainit kundi lumangoy o maligo.

Malakas rin siguro ang bentahan ng halo-halo at ice cream. Sa madaling salita, huwag maging biktima ng heat stroke ngayong tag-init. Hindi dapat maunahan ng init. Uminom nang marami, huwag magbilad sa araw, magsuot nang maluwag o manipis na damit at manatili sa malamig na lugar. Abangan na lang natin ang pagdating ng La Niña.

vuukle comment

TAIWAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with