^

PSN Opinyon

Happy women’s month, Proud Makatizens!

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

(Una sa 2 labas)

Sang maligaya at makabuluhang Women’s Month po sa lahat ng kababaihan, lalo na sa mga proud Makatizens.

Alam naman po ninyo na ang usapin tungkol sa gender equality ay isa sa aking adbokasiya. Sa lahat ng aspeto­ ng buhay, dehadung-dehado ang mga babae dahil sa kina­mu­latan nating patriarchal society. Hindi pantay ang mga oportunidad sa pag-aaral, trabaho, negosyo, at maging sa sariling tahanan.

Babae ka lang… bakit ka pa mag-aaral, mag-aasawa ka rin lang naman.

Hindi lang po sa ating bansa, kundi sa buong mundo. Ayon sa United Nations Gender Snapshot ng 2023, kung hindi magkakaroon ng matinding pagbabago ay mahigit 340 milyong kababaihan at batang babae ang dadanas ng matinding pagkagutom pagdating ng taong 2030. Ang bilang­ na ito ay nag re-represent ng 8% ng populasyon ng babae sa mundo.

Malayung-malayo pa tayo sa ideal scenario kung saan patas na ang tingin sa babae at lalaki. Totoo, malaya nang nakakapag-trabaho ang mga babae ngayon sa iba’t ibang larangan. Marami nang babae ang CEO ng malalaking korporasyon at lider ng mga international organizations, at dumarami na rin ang tinatawag nating women in power.

Sa kabila nito, mas marami pa ring babae ang napipi­litang isantabi ang kanilang mga pangarap at talikuran ang kakayahan at talino para unahin ang pagpapalaki ng mga anak.

Para sa mga working mother na tulad ko, mayroong tinatawag na “invisible shift”. Ito ay tumutukoy sa panga­lawa o pangatlo pa ngang trabaho natin pag uwi ng bahay. Pagluluto, paglalaba, pag-aasikaso sa ating mga asawa at anak - mga bagay na hindi tayo binibigyan ng credit.

Di ba nga, kadalasan sasabihin na lang natin na labor of love.

Maaaring willing at handang magsakripisyo ano mang oras ang mga babae, pero hindi habambuhay ay dapat magtiis. Kaming may mga boses na naririnig sa lipunan ay gumagawa ng paraan para makita ng nakararami ang totoong lagay ng kababaihan sa lipunan.

At kaming may kakayahang magsimula ng pagbabago ang may responsibilidad na umaksyon.

(Sundan bukas)

vuukle comment

WOMEN’S MONTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with