^

PSN Opinyon

Angelica de Guzman: ‘Budgetarian’ na OFW

PINOY OVERSEAS - Ramon M. Bernardo - Pilipino Star Ngayon
Angelica de Guzman: �Budgetarian� na OFW
Ang “budgetarian” OFW na si Angelica de Guzman.
Antonie Robertson / The National

Certified “budgetarian” ang turing ng 40-anyos na Pilipinang si Angelica de Guzman sa kanyang sarili dahil sa mga pamamaraan ng pagbabadyet niya sa kanyang mga kinikita sa United Arab Emirates, na isa sa mga bansang Arabo sa Gitnang Silangan.  Bukod sa pagbabadyet ay nag-iimpok din siya, namumuhunan at nagnenegosyo habang nasa ibang bansa.  Natutuhan niya ang magaling na pangangasiwa sa pera sa kanyang ina na nagturo sa kanya ng matipid na paggasta at matalinong pamumuhunan. Nakaimpluwensiya sa kanyang kakayahan na humawak ng pera ang metikulosong pamamaraan ng kanyang ina sa financial calculations.

“Kung hindi, kapag nagsimula kang magtrabaho sa ibang bansa, lagi kang mahihirapan sa mga bayarin tulad ng sa phone bills, renta sa bahay at gastusin sa araw-araw,” sabi ni de Guzman sa Ingles sa isang artikulo sa The National.

Habang isinusulat ito, isang sales operations specialist sa cyber security industry sa Dubai si de Guzman. Kasama niyang naninirahan sa Al Mamzar, Sharjah sa UAE ang asawa niyang si Alqab na isang Pakistani entrepreneur at 13-anyos nilang anak na si Gabriel.

Tulad ng ibang mga overseas Filipino worker, nagsimula rin si de Guzman sa mababa at maliit.  Nang magtapos siya ng kursong business management and administration sa kolehiyo sa Pilipinas, nagkatrabaho siya bilang call center agent noong 2004 na nagpapasuweldo sa kanya ng P10,000 kada buwan. Pagkatapos dito, naging marketing manager siya sa isang bangko bago siya dumayo sa UAE noong 2005.

Sa UAE, una siyang naging receptionist sa isang shipping line na nagpapasahod lang sa kanya ng Dh6,000 kada buwan. Tumagal siya rito ng apat na taon bago nagpalipat-lipat sa iba’t ibang kumpanya hanggang sa kasalukuyan niyang ikapitong trabaho.

Sinabi pa niya sa The National na sa kanyang mga naging trabaho sa naturang bansa, kumita siya ng Dh325  kada oras bilang  group chief financial officer, Dh7,500 bawat buwan bilang copywriter, at Dh160,000 bilang communications manager. Sa kasalukuyan niyang trabaho, kumikita siya sa pagitan ng Dh15,000 to Dh20,000 a month. Kabilang dito ang allowance para sa bahay, transportasyon at edukasyon ng kanyang anak.

Meron siyang budget planner na 10 taon na niyang ginagawa. “Isa akong certified “budgetarian.” Binabadyet ko ang mga gastusin ko, inuuna ko ang mga iniimpok ko, binabawasan ang hindi kailangang gastusin at namumuhay nang alinsunod sa kakayahan ko.

Ibinahagi rin ni de Guzman na pinakamalaki niyang gastusin buwan-buwan ang renta sa bahay, utilities, groceries, school fees at sa savings.  “Gastusin ang turing ko sa iniipon kong pera.”  35 porsiyento ng kanyang suweldo ang inilalaan niya sa mga gastusing ito at 209 porsiyento ang para sa entertainment, travel and recreation nila ng kanyang pamilya.

“Laging mahalaga ang balanse sa buhay. Sa paglalaan ng iyong resources para sa entertainment at recreation ay nae-enjoy mo ang ganda ng buhay, nakakalikha ka ng mga hindi malilimutang karanasan at namementina ang malusog na work-life balance,” dagdag niya. “Gastahin mo lang kung ano ang kaya mo. Bigyan mo ng 24 oras ang iyong sarili bago ka bumili.”

Nabatid na wala siyang binubuhay o sinusuportahan sa Pilipinas. Isang dentista ang kanyang ama habang merong sariling negosyo ang kanyang ina. Pero naglalagak siya ng puhunan at negosyo hindi lang sa UAE kundi sa Pilipinas din.

Ayon kay de Guzman, meron siyang investment sa isang financial services company na pag-aari ng kanilang pamilya sa Pilipinas. Namuhunan din siya sa mutual funds at nagreremit siya sa isang ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng social insurance, retirement at ibang benepisyo para sa mga OFW na tulad niya. Bahagi ito ng plano niya sa pagreretiro.  Nakabili rin siya ng isang lote sa Lipa City (lalawigan ng Batangas dito sa Pilipinas) at isang bahay sa Batangas City na ginagamit nila ng kanyang pamilya kapag nagbabakasyon sila sa Pilipinas. Meron din siyang life at health insurance na naunang kinuha ng kanyang mga magulang para sa kanya at ngayon ay siya na ang humahawak.

Meron din siyang emergency fund na maaa-ring tumustos sa kanyang pangangailangan sa loob ng tatlong buwan. Kumuha rin siya ng unemployment insurance sa UAE.

Wala rin siyang kasalukuyang mga utang. Naging malaking aral sa kanya na nabaon siya sa utang na umaabot sa Dh65,000 tulad ng sa credit card noong baguhan pa lang siya sa UAE. Hindi niya ito mabayaran kaya tinulungan siya rito ng kanyang mga magulang at ng kanyang asawa.

Tumagal ng dalawa at kalahating taon bago siya nakabayad.  Ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi na siya kukuha ng mga credit card at loans.

Marami siyang natutuhan sa naturang mga pagkakamali lalo na hinggil sa paghawak sa pera. Maging ang anak nila ay tinuturuan ni-lang mag-asawa na magtipid, mag-ipon  at mamuhunan.

Hangarin din ni de Guzman na magkaroon ng financial freedom.  Isa anya itong idea ng pagkakaroon ng sapat na pera at resources para magawa mo ang gusto mo sa buhay nang hindi mag-aalala sa limitasyon ng iyong pananalapi.

“Ang financial freedom ay isang kalagayan na ang pera ang nagtatrabaho para sa iyo, sa halip na ikaw ang nagtatrabaho para sa pera.”

* * * * * * * * * * *

Email- [email protected]

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with