^

PSN Opinyon

Ipis be with you

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Iyan daw ang biruang-bati ng mga taong nagkakasalubong sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Pangit na biro dahil nababatikan ang imahe ng Pilipinas, pero ito ang kato­tohanan. Alam n’yo naman tayong mga Pilipino, kahit ma­saklap na katotohanan ay nagagawan natin ng katatawanan.

Matagal ko nang nais paksain ito pero may mga higit na mainit na issue na aking inuna. Noong una, may mga pasa­herong nagreklamo na sila ay pinagpistahan ng mga surot sa upuan. Tapos, may mga nakakita ng mga malalaking daga as loob ng paliparan.

At ang latest ngayon ay mga naglipanang ipis. Ito’y malinaw na kapabayaan ng management ng paliparan na dapat asikasuhin ang maayos na takbo ng pambansang daungan dahil dito humuhugot ng first impression ang mga dayuhang first time pa lang sa Pilipinas. Dapat din itong maging concern ng Department of Tourism dahil nakasisira ito sa industriya ng turismo na isa sa mga pangunahing dollar earner ng bansa.

Magandang atraksiyon na sana ang mga tauhan ng pali­paran na nagsasauli ng mga napupulot na pera at mahahalagang bagay sa mga may-aring nawalan. Positibong repleksyon ito para sa mga Pinoy. Ngunit mahalaga rin na maging positibo ang tingin ng mga banyaga sa kalinisan nating mga Pinoy.

Naiisip ko lang, mag-hands off na kaya ang gobyerno sa mga paliparan at isapribado na ang mga pambansang paliparan kasama ang mga pantalan? Pangasiwaan na lang ng gobyerno ang nauukol sa security, customs at immigration.

Palagay ko, gaganda ng milya-milya ang operasyon ng mga paliparan at pantalan at magiging big boost sa turismo. Tapos maglagay ng malaking slogan na mula sa himpa­pawid at mababasa: “Welcome to the Philippines, the land of Peace,” at hindi Land of Ipis!

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with